Robin, inalam muna ang estado nina Ryan at Willie bago tinanggap ang Talentadong Pinoy
TALENTADONG couple kung tawagin ngayon sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sila ang magho-host ng pagbabalik ng Talentadong Pinoy na magsisimula sa August 16 sa TV5.
Nakatsikahan namin ang mag-asawa sa photo shoot nila para sa naturang show sa TV. Hindi naman daw napi-pressure si Robin na galing ang show kay Ryan Agoncillo at naging matagumpay ito.
โAng lahat ng bagay dito sa mundo, kung ano ang ikaloob ng Panginoong Diyos, โyun ako, hindi ako mapi-pressure. Basta ibibigay namin ni Mariel ang 100. Sasamahan namin ng dasal, kung anuman ang mangyari, eh,โyun angย kaloob, eh!
โAt ako naman hindi namin masasabi na amin ni Mariel ang show. Sa ngayonย ay kami ang tatayong host, hindi natin alam kung babalik si Ryan o mapupunta rin kay Willie (Revillame), hindi natin alam, eh. Sa ngayon ay kami ang host na gawing bida โyung mga talentadong Pinoy. Basta gagawin namin ang the best namin,โ sey ng action superstar-TV host.
Bago tinanggap ang show ay inalam niya muna kung ano ang nangyari kina Ryan Agoncillo at Willie Revillame kaya hindi sila natuloy sa show.
โSiyempre una kong inalam, ayokong may masasagasaan, tinanong ko agad kung ano ang nangyari kay Ryan, tapos โyung pangalawa, โyung usapan kay Willie bago ko tinanggap,โ deklara niya.
Marami ring suggestion si Robin para sa show. Gusto niya sana ay makilala ang mga pamilya ng contestant at pumunta sa bahay-bahay nila. Pero nabaril ito dahil baka raw maakusahan sila na may bias saย nasabing talent show.
Ang naaprubahan ay sabay-sabay nilang ka-lunch ang mga contestant bago mag-start ang taping para makilala raw niya ang mga ito maski sa pangalan lang.
Ayaw daw niya kasi na during the show ay parang kaplastikan lang ang nangyayari at wala siya talagang konek sa mga contestant.
Binigyan din ng power si Robin na maging abogado ng contestant bawat episode. โPag ibinaba ng judges ang kurtina puwede mailigtas ni Binoe at ipagtatanggol niya sa mga hurado.
Hindi ipinagkaloob kay Mariel ang power na โyun pero magsisilbi siyang taga-awat at taga-kalma โpag nakikipag-initan na si Binoe sa mga hurado.
Samantala, hindi naman nila nakikita na maapektuhan ang show kung sakaling may LQ sila. Bihira raw mangyari โyun. Pag-amin ni Robin, siya lang naman daw ang nakikipag-LQ na mababaw ang dahilan.
Tinanong din kung kailan sila magkaka-baby dahil perfect 10 ang ibinibigay ni Robin sa asawa bilangย wife.
Sabi nila ay pag umabot na ng 32 si Mariel. So, may dalawang taon pa silang ibinibigay para bumuo ng baby. Sa ngayon ini-enjoy pa ni Binoe na siya ang baby ni Mariel.

