Wednesday , January 19 2022

Quiet Please! nina Goma at K, maganda ang konsepto

00 SHOWBIZ ms mNAGPA-SAMPLE sina Richard Gomez at K Brosas sa ilang entertainment press ng ilang laro na mangyayari sa kakaibang comedy game show ng TV5, ang Quiet Please! Bawal ang Maingay, na magsisimula nang mapanood sa Linggo (Agosto 10, 8:00 p.m.).

Bago ang konsepto kaya nakatitiyak kaming kagigiliwan ito ng televiewers. Madali ring pag-praktisan ang mga game sa Quiet Please dahil pawang mga ginagawa sa bahay o gamit sa bahay ang mga larong ipinagagawa sa mga contestant. “Ang concept nito, Pinoy na Pinoy,” sambit ni Goma.

Sinabi pa ni Goma (tawag kay Richard), nagsimula ang ganitong klase ng game show sa Kazakhstan at binili ng FreMantle Media ang franchise. “Kaya bale parang tayo ang gumagawa ng bible nitong game show na ito kasi nga tayo ang naunang gumawa,” paliwanag ni Richard sa presscon ng show.

Akmang-akma naman ang tandem nina Goma at K para sa show na ito dahil isang maingay o pasaway (K) at isang tahimik (Goma) ang magsasama para magbigay aliw sa televiewers.

080514 richard gomez k brosas
“I love doing game shows. Bale sa ‘Family Feud Philippines’ sa GMA ko nadiscover na puwede pala akong game show host, tapos nasundan ito ng The Biggest Game Show In The World Asia na rito rin at ngayon ito nang Quiet Please.

“Enjoy gumawa ng game show kasi iba naman ito eh,” ani Richard.

First time namang magkaroon ng game show ni K. Aniya, “First time kong mag-host at napakalaking pasasalamat sa TV5 dahil ngayon mayroon na akong sariling show. Talagang nakalagay na ang pangalan ko.

“Per project po ako sa TV5. Hindi po ako exclusive sa kanila. At ngayon lang din po mangyayari na mayroon akong dalawang show na sabay sa isang network,” masayang pagbabalita naman ni K.

Bale unang sasabak sa mga Quiet Please! challenges ang mga special celebrity players na kabilang sa grupong Team Sexy, tampok ang hottest stars ng TV5: ang ultimate Kapatid hunk na si Derek Ramsay, ang talaga namang timeless beauty na si Alice Dixson, at ang sexy actor na si Wendell Ramos.

Hindi naman pahuhuli ang grupong Team BFF na kinabibilangan ng mga closest showbiz friends at mga paboritong on-screen TV at movie partners ni Goma noon. Tiyak na ikatutuwa ng mga viewer ang pambihirang reunion nina Goma at Joey Marquez, Anjo Yllana, at ng kanyang dating leading lady niyang si Snooky Serna.

Sa exciting na harapan ng dalawang grupong ito unang masasaksihan ng mga viewer kung bakit talagang kakaibang game show ang Quiet Please! Bawal ang Maingay. Daraan kasi sa iba’t ibang challenges ang mga celebrity contestant an hindi nila puwedeng ma-alerto ang giant “noise-meter” (isang napaka-sensitive na device na tumutunog kapag na-reach ang partikular na noise level na limit nito). Sa madaling salita, para maiuwi ang grand prize, kailangan nilang magtagumpay sa bawat round ng walang ginagawang anumang tunog o ingay.

Kaya kung ang hilig ninyo ay ang tumawa at ma-entertain ng lubos sa panonood ng kakaibang programa, lalong hindi dapat palampasin ang pilot episode ng pinakabagong game show sa bansa, ang Quiet Please! Bawal ang Maingay, kasama ang mga special celebrity contestants, na mapapanood ngayong Linggo, Agosto 10, 8:00PM sa TV5!

mari

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Morissette Amon Dave Lamar

Morissette, ibinahagi ang naranasan nila ng fiance nang magka-COVID

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga IBINAHAGI sa Instagram ng Asia’s Phoenix na si Morissette Amon ang pinagdaanan nila ng fiance …

Sophie Albert Avianna Celeste Vin Abrenica

Vin torture ang iyak ng anak — ‘di makatulog at hirap huminga

RATED Rni Rommel Gonzales BANGUNGOT kung ituring ni Vin Abrenica ang COVID-19 na naranasan ng kanyang pamilya. …

Yasmien Kurdi

Yasmien at anak na si Ayesha nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales MAY paalalang hatid ang former Las Hermanasstar Yasmien Kurdi sa mga magulang, matapos niyang …

Heart Evangelista

Heart nilektyuran aroganteng netizen na kumuwestiyon sa ‘di pagbubuntis — Ayoko!… Not your uterus

RATED Rni Rommel Gonzales MISTULANG nakatanggap ng lecture kay Kapuso star Heart Evangelista ang netizen na nagtanong kung bakit …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Matinee idol confident na babalikan ni dating GF at ka-live in

HATAWANni Ed de Leon AYON sa kuwento ng isa naming source, confident ang isang dating sikat …

Leave a Reply