Wednesday , July 24 2024

Nora Aunor doll, nawala sa gala night ng Hustisya

080514 nora aunor080514 nora aunor
ni Alex Brosas

TALAGA palang sold out ang gala night ng Hustisya ni Nora Aunor. Nakita naming punompuno ang CCP Theater sa mga photo sa Facebook.

Hindi nagdamot ng tulong ang  mga Noranian. Talagang naghakot sila ng fans at sama-samang nanood ng Cinemalaya entry ni Ate Guy. Kitang-kita sa mga picture na naglabasan sa social media ang dami ng tao na sumuporta sa Superstar.

Kaya lang, mayroon palang nangyari habang nanonood ang mga tao. Nawala ang importanteng memorabilia about the Superstar.

“Dumalo ang Nora Aunor doll sa CCP gala night ng Cinemalaya film na ‘Hustisya’, pero sa gitna ng komosyon ay naiwaglit ng may hawak. Nananawagan po kami sa nakapulot sa Nora Aunor memorabilia na ito sa CCP. Hindi po ito personal na pag-aari kundi isang mahalagang memorabilia para sa Noranian section ng Iriga City Public Library. Mangyari lamang pong ipaalam dito ang anumang impormasyon ukol sa nawawalang vintage doll. Marami pong salamat.”

‘Yan ang nabasa namin sa aming Facebook account na panawagan ng isang Noranian na siguro ay siyang may hawak ng  Nora Aunor doll na naka-glass case pa na nakita namin sa Facebook.

Sa excitement siguro ay hindi niya naalala kung saan niya nailagay ang manika o kaya naman ay may nanghiram dito para magpa-picture kasama ang manikang nagpasikat kay Ate Guy.

Kaya kng sino man ang aksidenteng nakakuha ng memorabilia ni Ate Guy, sana ay maisauli na ito dahil importante itong bahagi ng Nora Aunor collection sa Bicol.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn nawindang sa diamond bracelet at Hermes bag na regalo ni Ms Rhea Tan

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na inilunsad si Jennylyn Mercado bilang endorser ng …

Charlene at Aga binigyan ng sariling identity sina Atasha at Andres

RATED Rni Rommel Gonzales MAY reaksiyon rin si Charlene Gonzalez tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera …

Gary Estrada Bernadette Allyson Kiko Estrada

Gary ayaw makatrabaho ang ka-pamilya; Kahit si Kiko o asawang si Bernadette

RATED Rni Rommel Gonzales MAY rebelasyon sa amin si Gary Estrada. “Alam niyo ba sa tagal kong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *