Wednesday , January 26 2022

Echo, iniwan na ang genesis ni Angeli (Dahil gustong subukan ang international concert scene)

00 fact sheet reggeeNAKAGUGULAT ang nakuha naming tsika ngayong weekend dahil wala na pala sa poder ni Ms Angeli Pangilinan-Valenciano si Jericho Rosales? Yes Ateng Maricris, ang nagbalita pa sa amin ay kaibigan naming mahilig sa showbiz at nabasa raw niya sa post ng Star Magic, “welcome Jericho.”

Nanghinayang tuloy kami kasi nakita pa naman namin si Erickson Raymundo na namamahala ng Cornerstone Talent Management Center sa CCP para sa gala night ng Separados dahil kinuha rin pala siya ni Echo bilang co-manager. Kung hindi kami nagkakamali ay walong taon si Echo sa Genesis at malaki ang naitulong sa karera niya simula nang umalis sa Star Magic.

Kaya tinext namin ang publicist ng Genesis na si Chuck Gomez tungkol kay Echo na tumawag naman kaagad. “Kapatid, honestly, wala po akong alam kung bakit umalis si Echo sa Genesis, siguro mas maganda kung siya (Jericho) ang tanungin ninyo kasi okay naman sila ni Tita Angeli.

“Effective August 1, nasa Star Magic na siya at Cornerstone management, August 2, magdamag kaming magkakasama pa sa concert ni sir Gary (Valenciano), so okay kami, okay sila nina Tita Angeli at Sir Gary.

080514 Jericho Rosales

“Sabi nga ni Tita Angeli, ‘Echo will always a family to us’ kasi kapatid, paano namang hindi, ninang at ninong nila sa kasal sina Tita Angeli at Sir Gary, bestfriend ni Echo si Gab (Valenciano), at hindi biro ang eight (8) years na pinagsamahan nila, alam mo ‘yan,” kuwento sa amin.

Tinatapos na lang daw lahat ni Echo ang mga proyektong naisara ng Genesis at marami raw ito katulad ng product endorsements, “maraming naibigay ang Genesis na projects sa kanya,” dagdag sabi pa.

Lumamlam ang karera ni Echo nang mag-concetrate siya sa pagkanta-kanta dahil hindi siya kinagat dito at ito rin ang panahong sobrang in-love siya kay Heart Evangelista na nauwi rin lang sa wala. Uminit ulit ang career ni Echo nang balikan niya ang pag-arte hanggang sa nagkasunod-sunod na at ang The Legal Wife ang huli na talagang hinangaan nang husto ang aktor. Kaya balik-tanong namin kay Chuck, ano ang kulang ng Genesis para iwan ni Jericho?

“I don’t know kapatid, you should ask him. Pero okay talaga kami, okay sila nina Tita Angeli, at saka si Kim (Jone-Rosales), Genesis ang nagha-handle ng career, so walang bad blood talaga,” pahayag sa amin.

May nagtsika sa amin na type raw subukan ni Echo ang international concert scene bagay na hindi naibigay ng Genesis sa kanya. Marahil kaya niya napili ang Cornerstone Talent Management Center ay para matupad ang pangarap niya dahil ito ang forte ni Erickson bilang manager nina Sam Milby, Richard Poon, Markki Stroem, Thor, Liezel, Angeline Quinto, Erik Santos, at Yeng Constantino na pawang kaliwa’t kanan ang pagtatangghal sa ibang bansa.

Tanda namin na sinabi ni Ms. Angeli kay Echo noong panahong lumamlam ang career niya, “go back to acting, Echo, kasi that’s your strength, iwan mo muna ang singing, ‘pag okay ka na ulit, then you can go back to singing naman.”

At dahil magaling na aktor talaga ang pagkakakilala ng tao kay Jericho ay naging sunod-sunod na ang serye niya hanggang sa mag-asawa siya at ang pagkanta-kanta ay naisantabi na. At dahil nakagawa na ng pangalan si Echo bilang magaling na artista ay gusto naman niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging mang-aawit kaya niya kinuha ang tulong ng Cornerstone Talent Management Center, ganoon ba ‘yun, Jericho?

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply