Thursday , June 4 2026

Ano ang gagawin ni Black sa Meralco?

MATAPOS na mapagkampeon ang Talk N Text sa kanyang pagbabalik sa Philippine Basketball Association (PBA) anim na conferences na ang nakalilipas ay hindi na naulit pa ang pakikipagniig ni coach Norman Black sa kampeonato.

Nabigo na ang Tropang Texters sa sumunod na limang conferences at ang “closest thing” sa isa pang kampeonato ay nang makarating sila sa Finals ng nakaraang Commissioner’s Cup.

Matindi ang ratsada ng Tropang Texters sa torneong iyon dahil winalis nila ang elims, ang quarters at ang semis.

Kaya lang, hindi na sila nakaporma sa Finals dahil sa tinalo sila ng San Mig Coffee, 3-1.

Well, matapos ang limang conferences ng kabiguan sa Talk N Text, panibagong hamon ang haharapin ni Black. Inilipat siya sa isa pang koponan ni Manny V. Pangilinan.

Hinalinhan ni Black bilang head coach ng Meralco si Paul Ryan Gregorio na ngayon ay alternate board governor na. Ang pumalit naman kay Black bilang head coach ng Talk N Text ay si Jong Uichico.

Mas matinding hamon yata ito e!

Kasi, kung ipagkukumpara sa Talk N Text at Meralco, aba’y higit na malakas ang Tropang Texters!   E, hindi pa nga nakakarating sa Finals ang Meralco sa apat na taong pagiging miyembro ng PBA. At ang pinakamataas na narating nito ay semis sa isang conference na lima ang naging semifinalists.

Kung hindi naihatid ni Gregorio sa Finals ang Bolts, maihatid kaya ni Black?

Siguro naman.

Kaya nga siya ang iniluklok sa Bolts, e.

Kasi malaki ang tiwala sa kaya ni MVP na isa siya sa winningest coaches ng PBA.

Siguro naman ay kaya ng “old Black Magic” na paliwanagin ang daigdig ng Meralco sa PBA!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …