Monday , July 15 2024

May maibigay pa kayang project kung ‘di magpapa-sexy si Cristine?

080414 Cristine Reyes

ni Eddie Littlefield

PROUD si Cristine Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend, half Persian, half Filipino na ipinakilala sa publiko. Inlove na naman kasi ang dalaga kaya’t last bold film na raw niya ang Trophy Wife with Derek Ramsay, Heart Evangelista, at John Estrada under Viva Films.

May pagka-conservative raw ang dyowa ng sexy star. Ayaw nitong nakikita on big screen ang kanyang girlfriend na nakikipagkangkangan kina Derek at John.

Patutunayan ni Cristine na marunong din naman siyang umarte. Pero sa tipo ng bago niyang pelikula, obvious na ‘sex’ ang ibinebenta, hindi ang istorya. Kung nagkataon boyfriend na ni Cristine ang Persian guy na ito malamang na hindi niya gawin ang maiinit nilang eksena with Derek and John. That time kasi may relasyon pa sina Cristine at Derek kaya bigay na bigay to the highest level ang kanilang love scene.

Sa totoo lang, kaya pinanonood ng mga kalalakihan ang pelikula ni Cristine dahil pinagpapantasyahan siya ng mga ito. ‘Yung hubad na katawan niya ang gusto makita ng manonood, wala silang kiber kung bano o marunong kang umarte ang dalaga.

Tipong nangangarap ngayon maging serious dramatic actress itong si Cristine. Walang masama roon pero ‘yung bigla-bigla kang magbabago ng image to prove na nakaaarte siya, hindi ganoon kadali ‘yun.

Gusto nang kumawala ni Cristine sa pagiging sexy star. Patutunayan daw niya may acting talent siya para matawag  na tunay na actress sa mga susunod nitong drama series at movie project. Anong klaseng movie project ang ibibigay ni Boss Vic del Rosario kay Cristine kung totoong ayaw na nitong magpa-sexy sa pelikula ?

Sobra ang pagpapahalaga ngayon ni Cristine sa bago niyang dyowa. Marami raw siyang natutuhan rito. Nag-iba na raw ang outlook niya sa buhay, positive palagi sa bawat trial na dumarating sa kanya. Kakaiba daw ang Persian guy na ito compared sa mga naging boyfriend niya in the past. Magkasundo sila sa maraming bagay kaya madali silang nag-click as couple.

Filipinas 1941 ng Stagers, pang-international ang dating

NAKAE-ENJOY panoorin ang musical stage play na Filipinas 1941 ng Philippine Stagers Foundation na ginanap sa Saint Scholastica College. Outstanding performance ang ipinakita ng buong stagers. As always, super galing nina Vince Tanada as Felipe and Patrick Libao bilang si Nestor. Magkapatid na pinaghiwalay ng digmaaan.

Pati lightning, production design, at costume ng nasabing play ay fantastic, ang bilis pa ng facing ng bawat scene, very cinematic. Pang-international na nga ang naging presentation ng pagtatanghal kaya’t very proud si Vince n dalhin ito sa ibang bansa.

Aside sa pagiging actor/writer/director ni Vince, magaling na singer din siya. Sa rami ng magagandang play na naisulat at naisadula ng Palanca winner, bakit hindi nito isalin sa pelikula ang isa man lang sa kanyang obra ?

“May plano akong mag-produce ng isang musical film na pagbibidahan ni Piolo Pascual. Gusto kong gawin ‘yung ‘Ako Si Ninoy, A Filipino Musicale (2009)’. It’s a stage play na gagawin kong pelikula. Si Piolo ang napili ko because his a good actor at marunong kumanta. Alam ko naman gumagawa rin siya ng indie film. I hope tanggapin niya itong project namin. Siya lang ang sikat na artista sa film ko if ever tanggapin niya itong project, all of the actors are stagers,”  sabi ni Vince.

Malaki ang paniniwala ni Vince na iko-consider ni Piolo ang offer niya dahil for the first time ngayon lang gagawa ng ganitong project ang actor. If ever mapapayag nga si Papa P., plano ni Vince na ilahok ito sa Metro Manila Film Festival 2015.

Ayon sa award- winning actor, ”Mag-iipon muna na tayo para may budget for the film. Kung tanggapin ni Piolo sure na tuloy ang project na ito,” dungtong pa ni Vince.

For Piolo, it’s another journey sa kanyang career as an actor. Ngayon palang gagawa ng musical play film ang binata. With the good material, I’m sure willing si PJ to accept the offer of Mr. Vince Tanada.

About hataw tabloid

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *