Thursday , June 4 2026

Vhong, Carmina, at Louise magpapaligaya sa Wansapanataym

00 fact sheet reggeeISANG buwan na puno ng magic at mahahalagang aral ang hatid nina Vhong Navarro, Carmina Villarroel, at Louise Abuel sa buong pamilya ngayong Agosto sa pagsisimula ng kanilang  Wansapanataym special na pinamagatang Nato de Cocona halaw sa isa sa mga obra ng batikang comics master na si Rod Santiago.

Sa Nato de Coco na ipalalabas na ngayong Linggo (Agosto 3), bibigyang-buhay ni Vhong ang karakter ni Oca, ang ama ni Nato (Louise), at isang mahusay na basketball player. Ngunit dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang karera, mawawalan si Oca ng panahon para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na lubos na humahanga sa kanya.

080214 vhong carmina louise
Makababawi pa ba si Oca sa mga pagkukulang niya sa kanyang pamilya? Sa sandaling malagay ang buhay niya sa panganib, paano pa mapoprotektahan ni Oca ang anak na si Nato?

Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, Epi Quizon, at Yogo Singh mula sa panulat ni Noreen Capili at idinirehe ni Lino Cayetano.

Mula sa  Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na  Wansapanataym  ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …