Aries (April 18-May 13) Dagdagan ng romansa ang buhay sa pamamagitan ng paglalambing sa taong mahal mo – at gayundin ang iyong sarili.

Taurus (May 13-June 21) Panatilihing lihim ang iyong alyansa – ang iyong mga desisyon ay maaaring hindi maunawaan at kaiinggitan.

Gemini (June 21-July 20) Hindi mo kailangang manatili sa opinionated people ngayon – batid mo kung ano ang dapat mong isipin.

Cancer (July 20-Aug. 10) Isipin ang kinabukasan – kailangang maipatupad ang ilang mga bagay – at ikaw ang dapat magpatupad nito.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Sa mahirap na mga sitwasyon, kailangan mong maging kalmado, bagama’t lahat sila ay natataranta rin.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Asahang ang iyong regular routine ay magiging magaan at masaya ngayon.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Magagawa mong maipatupad ang mga bagay sa group situation ngayon, sumige ka.

Scorpio (Nov. 23-29) Kung inaakala ng mga awtoridad na batid nila ang lahat, hindi sa ngayon – balaan sila.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sinasabing honesty is the best policy, ngunit ang white lies ay maaaring makatulong ngayon.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Isang tao ang naiinggit sa papuring iyong tinatanggap ngayon.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring hilingin sa iyong ikompromiso ang iyong mga prinsipyo – huwag mangangako.

Pisces (March 11-April 18) Hinahangaan ang pag-aalaga mo sa iyong kalusugan – ngunit maaaring hindi ito posible sa iba.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sikaping mapanatili ang atensyon sa malaking proyekto ngayon, bagama’t nahihirapan kang kontrolin ang iyong sarili.

Lady Dee