Yeo limitado ang playing time sa Ginebra
INAMIN ng bagong recruit ng Barangay Ginebra San Miguel na si Joseph Yeo na mahihirapan siyang makakuha ng playing time sa Gin Kings para sa darating na PBA season dahil sa daming mga manlalarong kapareho ng kanyang posisyon.
Nakuha ng Kings si Yeo mula sa NLEX kapalit ng isang first round draft pick ngayong taong ito.
Noong huling PBA season ay nag-average si Yeo ng 14 puntos, apat na rebounds at apat na assists upang dalhin ang Air21 sa semifinals ng Commissionerโs Cup.
Nabili ng NLEX ang prangkisa ng Express kamakailan.
Idinagdag ni Yeo na kaya niyang sumabay sa triangle offense ni Cariaso sa Ginebra.
โOkay na man ako sa triangle. Madali naman ako nakaka-adjust lagi โpaglipat ko sa ibang team like before,โ ani Yeo na nagbabakasyon ngayon sa Japan. โHindi problem sa akin โyun. So hopeful I can help them improve as a team.โ (James Ty III)
