Sunday , July 21 2024

Jueteng money di kapani-paniwalang papatulan ni Sen. Alan Peter Cayetano

NAKAKAPANGHINAYANG naman kung dahil lamang sa punyetang operasyon ng jueteng sa kanyang siyudad ay ganap na mawasak ang imahe hindi lamang ni Mayora Lani Cayetano kundi pati ang postura ng esposo nitong siSenador Alan Peter na nagdeklara nang tatakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2016 presidential elections.

Lumalabas kasing direktang sangkot si Mayora Lani sa illegal na sugal na jueteng dahil sa ginagawang panggagago at pagpapalusot sa lady executive ng ilan sa kanyang mga malalapit at pinagkakatiwalaang tauhan.

Lantaran kasi sa Taguig City ang pa-jueteng ng dalawang bugok na sina Boy Orosco at Romy Peña.

Isang pulis na kilala sa bansag na JUN LAUREL ang nangunguna sa pambababoy sa siyudad na ito ni Mayora Lani na dapat nang kalusin dahil hindi naman nakakatulong at sadyang nakakapamerwisyo nang husto.

Si LAUREL na umano’y naka-assign sa Southern Police District (SPD) ang siya umanong tagapaghatag ng intelihensiya sa national level. Meaning sa mga kapulisang nakatalaga sa ibang operating units ng Kampo Crame gaya ng CIDG.IG so forth and so on.

Si LAUREL din daw ang bagman na tagadala ng grasya sa tanggapan ng Games and Amusement (GAB) ni Chairman Juan Ramon Guanson at ni Atty Erman Benitez na hepe naman ng Anti Illegal Gambling Unit (AIGU) ng GAB.

Pati si GAB Commissioner Atty. Aquil Tamano ay ipinagyayabang din ng tarantadong si LAUREL.

Meron din daw pong parte ditto ang para sa tanggapan niNBI Director Virgilio Mendez at mga deputy directors ng bureau.

Kung totoo man ito, hindi dapat maging ma-yabang at matabil itong si LAUREL sa pagbanggit ng kung sinu-sinong pangalan.

Sa panig naman ni Senator Alan Peter Ca-yetano, marapat lamang marahil na putulin na nito ang mga sungay nina OROSCO at PENA at maging nitong patong na si LAUREL nang hindi naman pag-isipan ng masama ang liderato ng kanyang kabiyak na si Mayora Lani diyan sa Taguig City.

‘Yan ay kung hindi nga batid ni Mr. Senator Alan Peter ang pa-jueteng ng mga ogag.

Eh kung kay Orosco at pena tayo makikinig, para raw kasi sa campaign coffer ni Senator Alan ang malaking bahagi sa kanilang kinikita sa pa-jueteng na ito.

Susme naman! Jueteng money yan ‘di ba? Parang hindi naman tayo makapaniwala na pa-patulan ‘yan ni Sen. Cayetano at Mayora Lani.

Posible talagang may hudas din sa city hall ng Taguig na nambobokol na kay Mayora, nagagawa pang manira ng political career ng mga Cayetano.

Nawa’y maging matalas na sana ang mata at tenga ni Maam Lani sa mga kaganapan diyan sa kanyang mahal na lungsod.

Bundat na naman ang BATMAN AND ROBIN TANDEM NATIONAL MEDIA ( 7,14,21,30 ) PAYOLA

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am band “TARGET ON AIR” Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

SM 3 day Sale FEAT

Every Deal You Shouldn’t Miss Every Day, this SM Store 3 Day Sale

SM Store, your Everyday Store, is thrilled to announce that the biggest sale of the …

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *