Taulava nais magretiro sa NLEX โ€” Reyes

NANGAKO si Asi Taulava na ang North Luzon Expressway ay magiging huli niyang koponan sa kanyang paglalaro sa PBA.

Nasa Amerika si Taulava ngayon upang magbakasyon ngunit ayon sa kanyang ahenteng si Sheryl Reyes, babalik ang beteranong sentro sa katapusan ng buwang ito upang makipag-usap sa kampo ng Road Warriors.

Nakuha ng NLEX ang prangkisa ng Air21 noong isang buwan.

Mapapaso ang kontrata ni Taulava sa Express ngayong buwang ito.

โ€œAsiโ€™s rights is with NLEX because of the changes (sa prangkisa). Though we thought heโ€™s (Taulava) gonna retire with Air21 because he already declared that also,โ€ wika ni Reyes.

Nag-average si Taulava ng 14.7 puntos at 12.3 rebounds para sa Air21 noong huling PBA season nang dinala niya ang Express sa semifinals ng Commissionerโ€™s Cup bukod sa pagigingย  miyembro ng PBA Mythical Five.

Dating manlalaro si Taulava ng Talk n Text na sister team ng NLEX.

โ€œBecause of the circumstances, itโ€™s like they are putting him where he began. And itโ€™s not a problem to retire with them (MVP group), because itโ€™s like destiny. Nobody really knew itโ€™s gonna happen, kaya dun din bagsak namin,โ€ ani Reyes.

(James Ty III)