Wednesday , July 17 2024

Supot ng pagkain at manliligaw

Señ0r h, gdpm,

Ito ulit pnagnip ko kgbi.hbng ngpapa2log dw ako ng bby, ung ksma ko s bhay n kaibigan ko pgdting dw mrming dalang pagkain. Tp0s umalis ulit xa. pgblik dw mrmi ulit bitbit n pgkain nkasup0t2, may cake,may leche flan etc at nilagay dw drtso s ref. tp0s ung lalaki rw n may gus2 s akin nkaupo s sala hbang kakwentuhan ko ng dmating kaibigan ko. tp0s ung lalaki rw nkatingin s dalang sup0t ng frend ko. pwd po bng pki-interpret un?(09304842399)

To 09304842399,

Ang baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan o mapagsamantalahan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga.

Ang panaginip hinggil sa pagkain ay nagsa-suggest ng physical and spiritual sustenance at vitality. Ang iba-ibang klaseng pagkain ay nagre-represent ng iba’t ibang kahulugan. Ang prutas ay kadalasang hinggil sa sensuality. Ang frozen foods  ay maaaring may kaugnayan sa iyong indifference o cold demeanor. Maaari rin naman na ang mga napanaginipang pagkain ay mga gustong kainin o kinakatakamang pagkain. Kung nagtatago naman ng pagkain sa panaginip, ito ay maaaring may kaugnayan sa agam-agam dahil sa kakulangan ng pagkain o ng mahahalagang bagay sa buhay mo. Maaaring kakulangan din ito ng pananampalataya.

Kapag nakakita ng refrigerator sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent ng ukol sa iyong chilling personality and/or cold emotions. Maaaring nagsasabi rin ito sa iyo na kailangan mong maglaan ng plano, pakay o kaya naman ay pag-isipan ang gagawing aksiyon sa isang mahalagang bagay. Alternatively, ang refrigerator ay nagsasaad na nagawa mo ang isang bagay na hinahangad mo subconsciously. Kung sa panaginip mo naman ay nasira ang ref, maaaring nagsa-suggest ito na kailangan mong mag-warm-up to somebody or some situation. Panahon na para pakawalan ang mga harsh at cold feelings. Sa kabilang banda, isipin kung bakit sumagi sa bungang-tulog mo ang inyong ref. Dahil ba ito sa madalas mong gamitin ang inyong ref sa ngayon o dahil nagkaroon ng isyu na may kinalaman sa inyong ref?

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Krystall Herbal Oil

Retiradong empleyado, laging may stocks na Krystall Herbal Oil para sa kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          A blessed …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

SM Zamboanga FEAT

Becoming a ‘second home’ amidst adversity
Renewing hope: SM School building’s impact in Zamboanga

The School Building Program of SM Foundation enables the Zamboanga Central School-SPED Center to accommodate …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *