Tuesday , January 18 2022

Rufa Mae Quinto pang barangay na lang ang byuti (Laos na nga si Booba!)

072814 rufa mae quinto

ni Peter Ledesma

Kung dati ay eskalera ang career ni Rufa Mae Quinto, humataw sa dami ng mga show sa TV at pelikula na pawang blockbuster, ngayon pagkatapos sumemplang ang dalawang magkasunod na pelikula ng sexy comedienne doon na nag-umpisa ang sunod-sunod na kamalasan sa career niya. Hayan at bukod sa bihira na lang siyang mapanood sa TV, humina na rin ang mga raket ni Ms. Quinto at may nag-post pa ng picture ng komedyana sa FB habang nagpe-perform sa covered court sa isang Barangay. Ang buong akala ko ay nagte-taping siya sa lugar ‘yun pala may show siya noong araw na ‘yun. Magkano naman kaya ang ibinayad kay Rufa sa pagtatanghal niyang ‘yon? Sabi, kaya hindi na gaanong kinakagat ang mga project ni Rufa ay dahil pinagsawaan na ang brand of comedy o style ng pagpapatawa niya na hindi na naka-graduate sa pinausong salita na “Todo na ‘To!” na laos na sa nakararami. Bakit hindi niya i-reinvent ang kanyang sarili mag-isip siya ng bagong gimmick at malay mo kagatin siya uli ng fans. Ilan pa sa nakikitang rason, sa paglagapak ng career ni Rufa ay naging mayabang at unprofessional sa kanyang trabaho.

Now alam n’yo na gyud!

Hidwaan ng mga karakter nina Coco at Jake sa “Ikaw Lamang” painit nang painit…
JULIA MONTES MAS LUMALIM ANG PAG-ARTE DAHIL SA “IKAW LAMANG”

Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Julia Montes sa laki ng naitulong ng “Ikaw Lamang” sa kanya bilang isang aktres. Aniya, dahil sa magandang karakter niya sa top-rating master teleserye ng ABS-CBN ay mas lumalim ang kanyang pagganap. “Bago pa man magsimula ‘yung ‘Ikaw Lamang’ sobrang kinakabahan ako kasi iniisip ko kung kaya ko bang makipagsabayan sa mga bigating artistang kasama sa cast. Pero nawala agad ang takot ko dahil lahat ng co-stars ko tinulungan akong mabigyang hustisya ang role ko bilang Mona. Masasabi kong mas nahasa ako bilang isang aktres dahil sa kanila at sa show,” ani Julia. Samantala, sa pagpanaw ni Mona ay tiyak na lalong titindi ang ten-syon sa pagitan nina Samuel (Coco Martin) at Franco (Jake Cuenca) sa “Ikaw Lamang.” Ano ang gagawin ni Samuel para makuha ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ng kanyang asawa? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang pakikipaglaban kina Franco at Maximo (Ronaldo Valdez) nga-yong nadadamay na ang kanyang mga mahal sa buhay? Paano babaguhin ng pagkamatay ni Mona ang buhay nina Samuel, Franco, at Isabelle (Kim Chiu)? Ang “Ikaw Lamang” ay master teleserye ng ABS-CBN at isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang painit nang painit na eksena sa master teleser-yeng “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Hawak Kamay” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

ROSE BUENAVISTA(BEA) AMOY NA ANG UNTI-UNTING HINAHANGAD NA HUSTISYA SA “SANA BUKAS PA ANG KAHAPON”

Dahil sa tulong ng may-ari ng Prestige Chocolate company na si Ruth Gaspar (Susan Roces) na naghahanap rin ng hustisya para sa pagkamatay ng kanyang anak at apong si Atty. Emmannuele Gaspar-Romero. At sa suporta na rin ni Leo Romero (Albert Martinez) sa kanya. Nakapasok na si Rose(Bea Alonzo) na nagpapapanggap pa rin na Emmanuelle sa dating pinamamahalaan at pag-aaring Buena Crillo Chocolate company. Bahagi na nga-yon si Rose bilang isa sa board member ng kom-panya. Dahil nasa loob na siya, malaya nang magagawa ni Rose ang kanyang pag-iimbestiga kung sino ba talaga ang totoong pumatay sa kanyang daddy si Henry Buenavista (Chinggoy Alonzo). Pero matinik ang half sister ni Rose na si Sasha Bayle (Maricar Reyes) at wala nang ginawa kundi ang bantayan sila ng husband na si Patrick Salvador (Paulo Avelino) na unang naging mister ni Rose. Bukod sa kanyang stepmother na si Laura Bayle-Buenavista (Dina Bonnevie) Sasha at Carlos Syquia (Tonton Gutierrez) ay target rin niyang gantihan dahil inakala niyang niloko siya. Sa latest episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, nakapuwesto na bilang bagong hirang na Presidente ng Buena Crillo si Patrick. Lahat ay gagawin ni Rose para masapawan o mahigitan nang matanggal sa pwesto. Samantala, alam na rin ni Rose ang mga ginagawang panggagamit at pang-uuto ng kanyang Tita Laura sa kapatid na si Violet (Michelle Vito). Patuloy na binibilog ng kanilang madrasta ang ulo ng dalaga na galit na galit ngayon sa kanyang Ate Rose o inaakala niyang si Atty. Emmanuelle. Abangan mamayang gabi ang unti-unting pagtuklas ni Rose sa krimeng ginawa sa kanyang ama at ang mga panloloko ng mag-inang Laura at Sasha kasama na si Carlos na sakim sa kayama-nan nilang nga Buenavista.

About hataw tabloid

Check Also

Yasmien Kurdi

Yasmien at anak na si Ayesha nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales MAY paalalang hatid ang former Las Hermanasstar Yasmien Kurdi sa mga magulang, matapos niyang …

Heart Evangelista

Heart nilektyuran aroganteng netizen na kumuwestiyon sa ‘di pagbubuntis — Ayoko!… Not your uterus

RATED Rni Rommel Gonzales MISTULANG nakatanggap ng lecture kay Kapuso star Heart Evangelista ang netizen na nagtanong kung bakit …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Matinee idol confident na babalikan ni dating GF at ka-live in

HATAWANni Ed de Leon AYON sa kuwento ng isa naming source, confident ang isang dating sikat …

Annalyn Manalo Jose Manalo

Asawa ni Jose na si Annalyn yumao na

HATAWANni Ed de Leon NABALITA lamang iyon nang ilabas na sa social media ng kanyang …

Alodia Gosiengfiao Wil Dasovich

Alodia at Wil nagpatutsadahan, hiwalayan mahiwaga

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na naghiwalay ang celebrity chef na si Jose Sarasola at girlfriend na …

Leave a Reply