Tuesday , July 16 2024

Erich, naging wild nang magka-BF?

00 fact sheet reggeeAng ganda ni Erich Gonzales ngayon dahil sabi nga niya, may peace of mind siya at siyempre, may taong sobrang nagmamahal sa kanya at tina-trato siyang Princess.

Hindi naman itinago ni Erich na talagang prinsesa ang trato sa kanya ng kanyang boyfriend.

“Uy, fishy kayo ha? (biro ng dalaga), siyempre, nararamdaman ko naman na tratuhing prinsesa ng boyfriend ko. Dahil siya naman ‘yung lalaking malapit sa akin at nagmamahal sa akin. Kayo talaga,” nakangiting say ng dalaga.

Sobrang sexy si Erich sa beach scene nila ni Enchong Dee kaya naman kaagad na tinanong ang aktres kung handa na ba siyang mag-pose sa men’s magazine?

“Hindi po talaga, para lang po ito sa pelikula,” mabilis na sabi ng dalaga.

072714 erich

KISSING AT BED SCENES

May beach scene kasi sina Erich at Enchong kaya maraming nagulat na napapayag ang dalaga sa ganoon at higit sa lahat, walang patumanggang kissing scenes at bed scenes.

Ano ang reaksiyon ng boyfriend niya rito.

“Kaya nga suwerte ko po kasi mature siya, sobrang understanding, secure, at supportive po talaga siya,” sabi ni Erich.

“Excited nga po siyang magpa-block screening kasama ‘yung mga friend namin,” kuwento sa amin.

At kabaligtaran talaga dahil ‘yung ibang magdyo-dyowa ay hindi ipinapanood ang mga nagawa nilang pelikula na may maseselang eksena ay magkasabay naman daw itong pinapanood nina Erich at ng boyfriend niyang hawig ni Lee Min Ho.

”Ako naiilang. Pero siya, eager siyang nanonood, concentrate, walang pikit-pikit, open lang ang eyes niya.

“Kasi po, kapag napapanood niya ako sa TV o movie, sinasabi niya, ‘Ikaw ba ‘yan? Parang ibang-iba.’

“So, I guess, okay, kasi nadi-differentiate niya ‘yung ako sa kanya at sa mga project.”

Ang maganda raw sa relasyon nina Erich at ng boyfriend niya kaya hindi ito seloso, “kasi po, bago po naging kami, matagal kaming naging magkaibigan.

“At naikuwento ko na sa kanya kung gaano kaimportante ang trabaho ko at priority ko talaga ‘yun. Sabi naman niya, willing naman siyang maghintay. Sige, okay.”

VERY PROUD SA BF

Hiningan namin ng detalye si Erich tungkol sa boyfriend niya, pero ayaw na niyang magbigay, tama na raw ‘yung nai-post niya ito sa kanyang IG account.

“Noong nalaman nga po niya ‘yun (nag-post), he’s okay with it.

“He’s cool. No big deal. Pero siyempre po, he’s a private person, ‘di ba? At hindi naman po siya sanay sa ganitong bagay. Pero okey lang naman sa kanya.

“Okey na po ‘yun, at least, may face na po siya ngayon. Baka, mga next five years kami na.

“That day lang talaga, sobrang masaya lang ako na hindi ko maitago.

“So, nai-post ko ‘yung picture ko kasama ko ‘yung ate ko, ‘yung closest friends namin.

“Sobrang ang saya lang talaga noong araw na iyon kaya nai-post ko.

“Honestly, noong naging kami, para sa akin, wala namang kailangang itago.

“I’m very proud to have him and, at the same time, ‘pag mahal mo ang isang tao, bakit mo naman (itatago).

“At saka open naman kami. Lumalabas kami. We eat out, kasama ‘yung mga friend namin.

“Siya lang po talaga. Respeto lang po sa kanya. Kasi, yun nga, hindi naman po siya artista, ‘di ba? And ‘yung pamilya niya, hindi naman sanay sa mga ganito,” paliwanag ni Erich kung bakit ayaw na niyang ikuwento kung sino si BF.

‘Pag kasama raw ni Erich ang boyfriend niya, “We always find time na makakain sa labas, makanood ng movie, maka-travel, kasi pareho po kaming busy, ‘di ba?

“Siya rin may sariling mundo, at ako rin. So, every time na magkasama kami, sinusulit namin ‘yung time na ‘yun. When I’m with him, I’m the happiest,” kuwento ng aktres.

Ang guwapong lalaking ito na ba ang gustong makasama ni Erich?

“Ipinagdarasal po natin ‘yan!” mabilis na sagot ng dalaga.

HEAVEN’S SENT ANG BF

At Heaven’s sent daw si boyfriend, “noong nagdasal po ako, answered prayer.”

Nag-propose na ba?

“Naku, hindi pa nga siya nagpu-propose matagal pa.”

“Napag-uusapan namin. At lagi kong sinasabi na mga 10 years pa. Kasi, marami pa po akong gustong gawin.

“Twenty-three lang po ako ngayon. And he’s 10 years older than me,” saad pa.

At sa tanong namin kung anong edad niya planong magpakasal, “mga 30 ‘yung gusto ko po sana. So, 23 na po ako ngayon, mga seven years pa po,” say sa amin.

Sa madaling salita, pitong taon maghihintay si boyfriend?

“Wala po siyang choice! Kung hindi siya okey, iba na lang,” tumawang sabi sa amin.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Libingan ni Rico Yan ‘di na inirerespeto

HATAWANni Ed de Leon DESMAYADO si Jessy Mendiola dahil sa nakita niyang internet content na ginagawang pasyalan …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Netflix

Dennis at Jen pinasok na pagpo-produce ng pelikula

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA  ang mga pangyayari, ngayon pala ay magsisimula na ring mag-produce ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *