Tuesday , January 25 2022

Pangarap na bahay ng Final Four, isasakatuparan ng Camella

072414 The Voice Kids PH

ni Roldan Castro

DALAWA ang maglalaban sa Team Sarah para sa finals ng The Voice Kids. Pero mariing sinabi ng Pop Star na wala siyang favoritism kina Lyca Gairanod at Darren Espanto. Pareho ang atensiyon na ibinibigay niya sa dalawa at pareho raw itong deserving na manalo.

“Mahal ko po ng patas sina Darren at Lyca,” sey niya.

Makakatunggali nila ang Team Bamboo na si Juan Karlos Labajo at ang Team Lea na si Darlene Vibares.

Isa sa apat na ito ay nakatakdang manalo ng house and lot na kaloob ng Camella Tierra Nevada. Nakatutuwa ang mga bata dahil may pangarap na sila ‘pag napasakanila ang naturang bahay.

Ayon kay Darlene, ‘pag nanalo siya ng bahay, palalagyan daw niya ang kuwarto niya ng Hello Kitty. ‘Yung kuwarto raw ng ate niya, palalagyan niya ng wall paper ng crush niya. Si Lyca naman ay doon daw siya magce-celebrate ng birthday at magpa-party sa loob ng bahay. Si Darren naman ay ise-set up daw ang room niya tapos invite niya ang mga friend para mag-swimming. Si Juan Karlos naman ay gagawin daw niyang kulay white ang kuwarto niya. Favorite niya kasing kulay ay puti.

Talbog!

About Roldan Castro

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply