Jake, sobrang kinamumuhian ng viewers sa sama ng karakter sa Ikaw Lamang
GRABE ang daming galit kay Jake Cuenca dahil ang sama-sama raw ng karakter niya sa seryeng Ikaw Lamang. Positibo naman ito para sa aktor dahil ibig sabihin ay magaling umarte si Jake dahil nagagampanan niyang mabuti ang papel niya bilang kontrabida ni Coco Martin.
May malaking epekto rin ito in terms of ratings game sa Ikaw Lamang dahil may mga taong naglilipat ng ibang channel kapag si Jake raw ang ipinaKIkita.
βMasyado na kasing depressing ang karakter ni Jake, sobrang sama niyang tao na parang hindi naman ganoon sa totoong buhay kung sakaling may ganoon g politiko na masyadong gahaman sa posisyon,β komento mismo ng isang katoto na hindi na namin papangalanan pa.

Sabi namin na ganoon naman talaga βpag nasa posisyon ka, gahaman, maski nga ordinaryong tao kapag may posisyon sa trabaho o kakilalang mataas na opisyal, nag-iiba ang ugali.
Pero humirit ang katoto, βhindi, walang ganoon, politiko nga sila, lagi silang nakangiti sa tao at pakitang tao talaga sila.β
Paliwanag namin na pakitang tao nga ang ginagawa nila pero may ginagawang hindi maganda sa talikuran, eh, sino ba ang pumatay kay Ninoy Aquino, hindi baβt politika rin ang dahilan na hanggang ngayon ay walang nakaaalam? Kaya posibleng may pinanggayahan ang karakter ni Jake bilang Mayor sa bayan nila sa kuwento ng Ikaw Lamang.
Humirit ang kilalang artista na nakakapanood din ng Ikaw Lamang, βoo nga, ang sama-sama ni Jake, laging galit, parang nakakainis na ring panoorin.
βAt saka bakit ganoon, mayor lang siya, bakit mas powerful siya sa tatay niyang si Tirso (Cruz) na gobernador? Mas mataas ang gobernador, βdi ba? At saka ang dami-daming kontrabida roon, nakakainis din si Ronaldo Valdez.β
Oo nga, bakit nga ba mas powerful ang mayor sa governor? Kaya tinanong namin ang Adprom head ng Dreamscape Unit na si Biboy Arboleda tungkol dito at sinagot kami ng, βask ko Rondel (Lindayag) and Reggie (Amigo).β
Ang mga nabanggit ay ang creative consultant ng nasabing unit.
Pero sa kabilang banda ng napakasamang karakter ni Jake ay marami naman ang nagsabing, βmagaling talagang umarte si Jake βno? Deserving naman niya talaga ang award niyang Best Kontrabida Actor of the Year sa nakaraang Yahoo Awards.β
