Wednesday , October 5 2022

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 38)

SA WAKAS NAITANONG RIN NI LUCKY KUNG ANO TALAGA ANG PAKAY NI KARLA SA KANYA

Biyernes. Kung noon ay puro text messages lang ang natatanggap ko sa umaga kay Karla, nang araw na ‘yun ay maaga siyang tumawag sa akin. Naitanong niya kung bakit maghapon kahapon ay ‘di niya ako makontak-kontak sa cp ko. Tinapat ko naman siya na sadya akong nagpatay ng cp dahil sa pagre-review sa dara-ting na exams ngayong Biyernes. “Bukas na ‘yung painting session natin, ha?” paalala niya sa akin. “Natatandaan ko,” ang maagap kong naisagot sa kanya na may pahabol na “Pero teka…ano ba talaga ang balak mo sa akin?”

Tumawa siya nang pagkalakas-lakas. Tapos, sabi niya: “Mukha ba akong manyakis para paghinalaan mong rereypin kita?”

“Pwede naman kasi akong kaibigan… dabarkads… o plain and simple kabatian lang. Ang ayoko lang, e, ‘yung mapaikot ako na parang trumpo,” pagbibigay-diin ko. “Mamaya, ma-in-love ako sa iyo nang totohanan… Paano na si ako?”

“Ah, okay… I understand,” biglang naging seryoso ang tono niya. “Pwedeng sa Monday ko sagutin ang tanong mo?”

Sa likod ng utak ko, “Bakit sa Lunes pa?” Pero hindi ako nakakibo.

“Pagkatapos ng painting session natin bukas, pwede bang kinagabihan ay samahan mo naman akong mamasyal sa Rizal Park?” ani-yang may paglalambing.

Bigla akong napangiti. Naalala ko kasi ang bersiyon ni Rico J. Puno sa kantang “ Memories.” ‘Yung mag-sweetheart na namamasyal doon nang walang pera.

“At ano naman ang gagawin natin du’n?” naitanong ko kay Karla.

“W-wala lang… Let’s just pretend na magsyota tayo. ‘Di pa kasi ako nakararanas magka-boyfriend, e,” aniya na mala-true confession ang dating sa akin.

Sabado. Bago namin sinimulan ni Karla ang painting session ay nag-almusal muna kami sa isang chicken house sa bisinidad ng aming eskwelahan.

Matapos iyon, dakong alas-siyete ng uma-ga ay nasa harap na siya ng painting canvass. Nakaupo naman ako sa damuhan, hawak ang isang aklat, at natatalikuran ko ang isa sa mga gusali sa compound ng Uste. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Nature Herbs

Dahil sa trabahong panggabi  
NAGKASAKIT NA STRIKER NG ESCORT GIRLS UMINAM SA KRYSTALL HERBAL OIL, NATURE HERBS & CPC

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Marian Rivera Dingdong Dantes Ceelin Caritas

DONG AT YAN PRIORIDAD ANG KALUSUGAN NG MGA ANAK; 
Nakibahagi sa #ImmunityForAllKids” ng Ceelin at Caritas  

KAPURI-PURI ang pagiging magulang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes lalo’t binibigyan nilang prioridad ang kalusugan na makikita sa …

Piolo Pascual Rhea Tan

Aminadong pinag-ipunan ang Kapamilya star
BEAUTEDERM CEO RHEA TAN DREAM COME TRUE NA MAGING ENDORSER SI PIOLO PASCUAL,

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na …

Macbeth 20th anniversary

20th anniversary ng Macbeth rakrakan cum fashion show

I-FLEXni Jun Nardo RAKRAKAN cum fashion show ang handog ng brand na Macbeth sa 20 years celebration …

Macbeth Benjie Estanislao

Macbeth’s 20th Anniversary Show pasabog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO ang direktor ng Macbeth’s 20th Anniversary Show na si Benjie Estanislao na kakaiba at …

Leave a Reply