Thursday , October 6 2022

Anak ng tserman todas sa barilan (Napikon sa tagayan)

PATAY ang anak ng isang barangay chairman at isang barangay tanod nang magbarilan nang kapwa mapikon sa kanilang tagayan sa Maasin, Iloilo kamakalawa.

Tig-isang tama ng punglo sa katawan ang ikinamatay nina Leo Vallejo, anak ng barangay chairman, at Dametillo Diaz, barangay tanod.

Ayon kay PO3 Elmer Lentija, ng Maasin Municipal Police Station, nag-iinoman ang mga biktima sa Brgy. Trangka, nang humantong sa pagtatalo hanggang mapikon sa isa’t isa kaya nagpasyang mag-uwian.

Naglalakad pauwi si Vallejo kasama ang isang katagay nang barilin ni Diaz pagdaan sa tapat ng bkanyang bahay.

Gumanti si Vallejo kaya nagpalitan sila ng putok na humantong sa kanilang kamatayan.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng imbestigasyon sa insidente.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng …

shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa …

nakaw burglar thief

Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery …

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

Leave a Reply