Enchong, umaming may non-showbiz GF na!

ni Rommel Placente

[divider]

MAY girlfriend na si Enchong Dee. Non-showbiz ang babaeng nagpapatibok ng puso niya ngayon. Pero tipid magbigay ng anumang detalye ang aktor tungkol sa kanyang current girlfriend para raw maprotektahan ang pribadong buhay nito.

“Yes, I have a girlfriend now, non-showbiz. Matagal-tagal na, wala pang isang taon,” sabi ni Enchong.

Patuloy niya, “See, ‘yun din ang kagandahan ‘pag non-showbiz, unless you tell people no one will find out. I’m happy na low key lang, siguro just like Erich, it took three years bago niya nai-post ‘yung photo ng boyfriend niya sa Instagram.”

At ganoon din daw ang plano niya.

“It would take time, I’d like her life to be private. I want her life to be away from all the buzz. Basta Pinay siya.”