Wednesday , October 5 2022

Hunk actor gusto nang lumipat sa Kapamilya Network (Kahit excisting pa ang contract sa TV Network!)

ni Peter Ledesma

Ewan lang natin kung ano ang mangyayari kay Hunk actor, na gustong-gusto nang lumipat sa Kapamilya network gayong may existing

contract pa siya ng 2 years sa kinabibilangang TV network. Ang rason kung bakit umaayaw na si actor sa kanyang estasyon ay dahil napapansin na raw na bagama’t matagal na siyang artista rito pero parang wala namang progress ang kanyang career. Kahit sa endorsement ay madalang rin siyang kunin samantala mga may “K” naman siya kompara sa iba dyan. Ang kasabayan at kaibigan ng actor na dati rin kasamahan nang lumipat sa ABS-CBN, in span of one year pa lang ay sikat na at kasama pa ngayon sa teleserye na sila ng sikat na actress na may dyo-wang hunk actor ang bida. Dahil dito, desidedo na siyang iwan ang estasyong nag-build up sa kanya since nag-join siya ng Starstruck. Nakikipag-ugnayan na ngayon sa isang high-end lawyer si nasabing hunky actor at pinasusulatan niya ang kanyang management para i-release siya at makalipat na nga sa ABS-CBN. We heard na isang maimpluwensiyang talent ng Kapamilya ang tumutulong ngayon sa tinutukoy nating papable at papaliciuos na actor na naging controversial these days para matupad ang matagal nang dream na maging part ng network ni Sir Gabby Lopez. As of presstime, pumalag raw ang TV station na gustong iwan ni actor at kung ano ang mangyayayari sa battle nilang ‘yan, bahala na rito ang magaling niyang abogado na madalas ay naipapanalo ang hawak na kaso.

Fight kung fight gyud!

KAABANG-ABANG NA EPISODE NG SBPAK NGAYONG GABI, ROSE AAMININ NA KAY LEO ANG TUNAY NA PAGKATAO

Lahat ng viewers ng pinag-uusapan at top-rating teleserye sa Primetime Bida na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ay inaabangan na ang big revelation ni Rose Buenavista (Bea Alonzo) na mangyayari ngayong gabi, July 18 kay Leo Romero sa tunay nitong pagkatao. Aaminin na ni Rose na hindi siya si Emmanuelle. Siya si Rose na naghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang daddy na si Henry Buenavista (Chinggoy Alonzo) na sinadyang patayin ng taong may inggit sa kanilang pamilya. Kaya napilitan si Rose na ibulgar ang sikreto dahil hindi na niya alam kung ano pang palusot ang puwede niyang gawin para paniwalaan pa siya ni Leo na siya si Emman lalo pa’t matagal nang duda sa kanyang pagkatao. Kasama sa pagdududa sa kanila ni Patrick (Paulo Avelino) dahil madalas silang makitang magkasama. Siguradong lilikha ng ingay ang gagawing Pasa-bog ni Rose at tiyak na magtatala ito ng mataas na rating! Worth watching naman talaga kasi gabi-gabi ang SBPAK dahil sa magandang takbo ng istorya at kakaibang plot nito. Grabe sa husay ang performance ni Bea sa kanyang pinagbibidahang serye at may karapatan siya sa bagong bansag na “Movie Queen of The New Generation.” Si Paulo Avelino puwede nang i-level sa mga drama actor ng ABS-CBN na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Lahat halos ng mga eksena ni Paulo with Maricar Reyes na gumaganap na misis niya at ina ng anak na sobrang sama ang character bilang si Sasha Bayle at ang madalas na maka-eksenang si Bea talagang sobrang nag-evolve na ang galing sa pag-arte. Kayang-kaya na talagang makipagsabayan ni Paulo sa mga de-kalibre na-ting mga artista. Sa latest episode ng SBPAK, nagsimula nang maghiganti at maghanap ng hustisya si Rose sa lahat ng mga taong nanloko sa kanya kabilang na ang stepmother na si Laura Bayle-Buenavista (Dina Bonnevie), Carlos Syquia (Tonton Gutierrez), Rocky Gomez (Nikki Valdez) na kanyang kapwa preso na siyang naging dahilan ng malagim na aksidenteng sinapit nila ni Emman sa pagsabog ng kotse. Kasama na sa mga sisingilin ni Rose sina Sasha at mister na si Patrick na inosente at walang kasalanan pero inaakala ni-yang nanloko rin sa kanya. Kung ano ang mga susunod pang sasambulat sa inyo ay abangan n’yo ‘yan gabi-gabi sa SBPAK, pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Para hindi mabitin ay watch nating lahat ito gyud!

MGA FOREIGN GAY, RARAMPA NA NGAYONG SABADO SA “SUPER SIREYNA WORLDWIDE”

Sosyal ang mga bading na contestant sa “Super Sireyna Worldwide.” Mula sa iba’t ibang bansa dahil personal silang sinundo sa airport ng itinanghal na Super Sireyna 2013 na si Francine Garcia. Yes, mga imported na Gay mula Japan, Thailand, Germany, Ecuador etc., na transsexual at transgender ang mga rarampa sa Super Sireyna Worldwide, pantapat ng Eat Bulaga sa mga International Pageant tulad ng Miss Universe , Miss International at Miss World. Ngayong July 19, Sabado ay makikilala na sila. Dahil mula pa sila sa malayong bansa ay malaking cash prize rin ang naghihintay sa makasusungkit ng kauna-una-hang title sa SS. Siyempre hindi basta-basta ang mga kikilatis na judges sa International Gay Beauty Pa-geant na pinili siyempre ng EB para sa kanilang ipinagmamalaking segment ngayon sa programa. Millions na ang followers ng SS kaya ipinagpatuloy ito ng mga taong nasa likod ng Bulaga. Eeksena rin si Paolo Ballesteros na super expert naman sa panggagaya ng mga famous Hollywood female stars.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply