Raket sa pagsakay ng taxi sa NAIA T-4

00 Bulabugin JSY
SINO ba ang isang ERIC SABAS na naghahari-harian sa Airport taxi lane.

Kunwari ay hinaharang nito at pinaaalis ang mga regular taxi na pinapara ng mga pasahero at mga empleyado ng airport terminal 4 dahil kailangan sa yellow taxi lang daw sila sumakay.

Pero kapag nag-abot ng lagay โ€˜yung driver ng regular taxi sa gwardiya ay pinapayagn niya at inaalalayan pa sa pagparada sa loading bay.

Sonabagan!!!

Hindi pwedeng ipagkaila ni Sabas ang raket nilang

โ€˜yan dahil madalas makita ng mga mananakay ang bulok na sistemang niya!

Sino ba talaga โ€˜yang si Eric harabas โ€˜este Sabas at ano ang papel niya sa pilahan ng taxi sa NAIA T4!?

Airport AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon sir, paki-check lang po ang raket na ito sa NAIA T4!

 

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]