Thursday , July 25 2024

Anne Curtis, naging mas matatag dahil kay “Dyesebel,” serye magwawakas na sa Biyernes

071514 anne curtis

ni Peter Ledesma

Aminado si Anne Curtis na mas lumalim pa ang pagpapahalaga niya sa kanyang trabaho dahil sa mga hindi niya malilimutang karanasan habang ginagawa ang top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN na “Dyesebel” na magtatapos na ngayong Biyernes (Hulyo 18).

“Ang dami kong natutunan dahil sa ‘Dyesebel.’ Dito ko na-realize kung gaano ako katatag at kung gaano ko pinahahalagahan ang craft na pinili ko. Kahit na umuulan o bumabagyo, tuloy pa rin kami sa pagtatrabaho dahil ganoon namin kamahal itong ginagawa namin,” pahayag ni Anne kaugnay ng seryeng pinagbidahan niya kasama sina Sam Milby, Andi Eigenmann, at Gerald Anderson.

Ayon pa kay Anne, sulit ang lahat ng pagod at puyat ng cast dahil sa gabi-gabing pagsubaybay ng TV viewers. “Kakaiba po talaga ang saya kapag naririnig ko na tinatawag ako ng mga tao na Dyesebel. Kasi ibig sabihin, nagmarka na ‘yung character ko sa puso at isip nila,” ani Anne. Simula nang umere ang “Dyesebel” noong Marso, gabi-gabi na itong nagreyna sa national TV ratings dahil sa mga kapana-panabik na tagpo sa buhay ni Dyesebel kasama sina Fredo (Gerald), Liro (Sam), at Betty (Andi), at sa mahahalagang aral na ibinahagi nito tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Sa huling linggo ng TV adaptation ng obra ni Mars Ravelo, mas iinit ang hidwaan ng mga tao at sirena sa pagbawi ni Dyesebel ng kaharian mula kay Dyangga (Eula Valdez). Paano mapaninindigan ni Dyesebel ang pagiging reyna ng karagatan ngayong mag-asawa na sila ni Fredo? Ang kanilang pag-ibig na nga ba ang magiging susi para magkasundo ang mundo ng mga sirena at tao?

Bahagi rin ng powerhouse cast ng “Dyesebel” sina Dawn Zulueta, Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Gina Pareño, at AiAi delas Alas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion, at produksyon ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ‘Ang Huling Kabanata’ ng kwento ni “Dyesebel” ngayong Biyernes na pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dyesebel” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel.TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *