Wednesday , October 5 2022

Kia, Blackwater makakabuo na ng team

TAPOS na ang paghihintay ng mga bagong prangkisang Kia Motors at Blackwater Sports.

Puwede na nilang simulan ang pagbubuo ng kani-kanilang mga koponan papasok sa 40th season ng Philippine Basketball Association         na magsisimula sa Oktubre 1.

Mamimili ang Kia at Blackwater ng mga manlalarong puwedeng maging bahagi ng kanilang core sa expansion Draft na gaganapin sa Biyernes sa PBA Commissioners Office sa Libis, Quezon City.

Ito’y matapos ipatupad ang ‘protect 12 system’ sa sampung regular member teams at magbagsak sila ng mga manlalaro sa expansion pool. Ang listahan ng mga players na nailaglag sa pool ay ipinadala na sa pamunuan ng Kia at Blackwater.

Kapwa na-excite ang pamunuan ng mga expansion teams.

Kabilang sa mga nailaglag sa expansion pool sina Ronnie Matias ng San Mig Coffee, Alex Nuyles at Larry Rodriguez ng Rain or Shine. Ang mga ito ay naglaro sa nakaraang PLDT Home Telpad Governors Cup Finals.

Kasama ni Matias na nailagay ng Mixers sa pool ang mga reserbang sina JR Cawaling, Lester Alvarez at Ken Bono.

Ang iba pang nasa expansion pool ay sina Ryan Buenafe, Nic Belasco, Paolo Bugia at Renren Ritualo ng Alaska Milk; Bonbon Custodio, Jason Deutschman, Hans Thiele, Magi Sison, Rob Labagala at Roger Yap ng Barako Bull; Jens Knuttel at Bryan Faundo ng Barangay Ginebra;   Carlo Sharma, Val Acuna, Mark Yee at Rudy Lingganay ng Globalpot; Danny Ildefonso, Paul Artadi, Anthony Bringas, Nelbert Omolon at Chris Timberlake ng Meralco; Mike Burtscher, Chito Jaime at Wynne Arboleda ng NLEX; Jai Reyes, Eric Salamat, Robby Celiz, Jimbo Aquino at John Ferriols ng Talk N Text at Samuel Marata ng San Miguel Beer.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …

Darwin Laylo

Para sa Biyernes
PEZA PUNONG ABALA SA RAPID CHESS TILT 

MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang …

Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most …

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Leave a Reply