Wednesday , July 17 2024

Rape victim at baril ng patay

Mgndang umga Señor,

tnung q lng po kng ano ibg sbhn na sa pnaginip q po narape aq tps dmating po ung pulis na papa ng bestfriend q na patay na,knuha ko dw ang bril nya at nkipgbrilan po aq s mga nang.rape sken.my mga tma na sla pro wlang epekto.virgo ng mla.salamat po.dnt post my #.

To Virgo,

Ang panaginip ukol sa rape ay may kaugnayan sa vengeful or resentful feelings toward the opposite sex. Pakiramdam mo, ikaw ay violated o napagsamantalahan, o kaya naman, ikaw ay nilalamangan o ginagawan ng hindi mabuti ng ibang tao. Mayroong sumisira o naglalagay sa alanganin ng iyong self-esteem at emotional well-being. Ito ay may kaugnayan din sa mga bagay na sapilitang pinagagawa sa iyo ng labag sa iyong kagustuhan. Ang panaginip ng ukol sa rape ay kadalasan ding nararanasan ng mga taong napagsamantalahan talaga sa estadong sila ay gising o may karanasan sa ganitong bagay o kaya naman, may tendency o exposed sa ganitong bagay. Posible rin naman na may mga nararanasan na instance ng sexual advantage ang nananaginip ng ganito, kahit hindi actual na rape ang kanilang karanasang personal o may kaalaman silang personal sa mga actual na pagsasamantala o rape sa ibang tao. Maaari rin namang bunsod lang ito ng bagay na nag-trigger kaya ka nanaginip ng tangkap pang-rape, tulad ng napanood sa TV o pelikula, nabasa sa dyaryo o komiks, o dahil sa narinig na kuwentuhan. Kung ganito ang sitwasyon, wala talagang personal na koneksiyon ito sa iyo, nagkataon lang ito kaya hindi mo na ito dapat pang isipin.

Ang pulis ay may kaugnayan sa structure, rules, power, authority and control. Ang ganitong panaginip ay nagre-represent din o nagsasabi ng hinggil sa iyong sariling sense of morality and conscience. Maaaring magsilbi itong patnubay sa iyo upang sundin ang daang matuwid o gawin ang mga bagay na karapat-dapat, sang-ayon sa iyong prinsipyong sinusunod at pinaniniwalaan base sa dikta ng iyong konsiyensiya. Maaaring may kaugnayan din sa iyong moral standards ang tema ng panaginip mo.

Ang baril naman ay simbolo ng aggression, anger, at ng potential danger. Maaaring may kaugnayan ito sa mga isyu o bagay ukol sa passiveness/aggressiveness at authority/dependence. Alternatively, ang baril ay maaari rin namang nagre-represent ng ari ng lalaki at ng male sexual drive. Kaya, ang baril sa panaginip ay maaring mangahulugan ng power o kaya naman, ng impotence, depende kung ang baril ay pumutok o nag-misfire. Kung ang binaril naman sa panaginip ay isang taong labis na kinaiinisan, ito ay may kaugnayan sa aggressive feelings at hidden anger tungkol sa taong nabanggit.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Krystall Herbal Oil

Retiradong empleyado, laging may stocks na Krystall Herbal Oil para sa kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          A blessed …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

SM Zamboanga FEAT

Becoming a ‘second home’ amidst adversity
Renewing hope: SM School building’s impact in Zamboanga

The School Building Program of SM Foundation enables the Zamboanga Central School-SPED Center to accommodate …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *