Friday , October 7 2022

Alert level 3 itinaas ng DFA sa Gaza

071414 gaza

INIUTOS ng pamahalaan ang agarang pagpapauwi sa mga Filipino na naninirahan sa Gaza Strip sa harap ng umiigting na kaguluhan doon.

Ito ay makaraan itaas ng DFA sa level 3 ang alerto o voluntary repatriation para sa mga kababayan sa naturang lugar.

“In view of the growing threats to security posed by the Israel-Hamas conflict to Filipinos in the Gaza Strip, the Department of Foreign Affairs has raised Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) in the Gaza Strip,” ayon sa DFA.

Ayon sa ahensiya, ang embahada ng Filipinas sa Cairo, Tel Aviv at Amman ang tutulong sa mga kababayan na makauwi ng Filipinas.

“These Embassies continue to be in close contact with Filipinos in Gaza,” ayon pa sa ahensiya.

Samantala, nanatili sa alert level 1 o precautionary phase ang umiiral sa West Bank maging sa Southern at Central Israel.

Una nang ipinanawagan ng UN Security Council ang agarang ceasefire sa pagitan ng Israeli forces at Palestinians sa border nila na Gaza Strip.

Ito ay sa gitna ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga namamatay at sa kasalukuyan ay 156 Palestinians na ang kompirmadong patay na karamihan ay mga sibilyan.

Kabilang sa mga sugatan ang police chief ng Gaza City.

Dahil dito, 15 miyembro ng UN Council ang nag-apruba sa panawagan ni Palestinian President Mahmoud Abbas hinggil sa ceasefire sa Gaza

Una nang nanindigan ang Israel na hindi sila yuyukod sa international pressure na magkaroon ng tigil putukan sa Gaza.

About hataw tabloid

Check Also

100622 Hataw Frontpage

SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS

ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead …

Percy Lapid Kabataan Party-list

Pagpaslang sa beteranong broadcast journalist  ‘di pinalampas ng Partylist

MARIING kinondena ng Kabataan Partylist ang pagpaslang kay Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy …

Percy Lapid Risa Hontiveros Robin Padilla

Pagpaslang kay Percy Lapid kinondena ng 2 solons

MARIING kinondena nina Senadora Risa Hontiveros at Senador Robinhood “Robin” Padilla ang pagpaslang kay sa …

Justice for Percy Lapid NUJP

Indignation rally laban sa karahasan at para sa katarungan

PINANGUNAHAN ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang indignation rally sa Boy …

Percy Lapid Canada UK Denmark France

Media freedom coalition sinuportahan ng Canada, UK, Denmark, at France vs broadcast journalist slaying

SA KANILANG twitter account, inihayag ng Canadian Embassy sa Filipinas ang kanilang matinding malasakit sa …

Leave a Reply