Saturday , October 1 2022

Actress isasama sa book 2 ng Ikaw Lamang (KC Concepcion certified Kapamilya star pa rin)

060414 kc concepcion

ni Peter Ledesma

LAST Friday, July 11, kasama ng isa sa bigwig sa Viva Entertainment na si Veronique Corpus ay mu-ling nag-renew ng kanyang kontrata si KC Concepcion sa ABS-CBN.

Present sa nasabing renewal ang President ng ABS-CBN na si Ma’am Cory Vidanes, TV Production head ng ABS-CBN Sir Lauren Dyogi, Aldrin Cerrado at head ng Dreamscape Entertainment na si Sir Deo Endrinal. Nagdesisyon si KC na mag-stick o mag-renew ng kontrata dahil masaya siya sa career niya sa Kapamilya network.

“I’m happy. I am inspired to work,” say pa ng dalaga ni Sharon Cuneta nang ma-interview siya ng ABS-CBN.com. Isa sa magiging project ng magandang actress sa taon na ito ay ang Book 2 ng Ikaw Lamang. Siya raw ang magiging kapalit ni Julia Montes na mawawala ang character sa serye dahil may ibang gagawing project.

Si KC raw bale ang magsisilbing ka-love triangle nina Coco at Kim rito. Tinupad ni Sir Deo, ang promise niya kay KC na after ng Huwag Ka Lang Mawawala ay bibigyan siya ng follow-up kaso nawala siya dahil nag-aral sa abroad. Ngayong balik-Dos na, tuloy-tuloy na naman ang pagbibigay ng proyekto sa kanya ng estasyong alaga ang kanyang career.

Bukod sa Book 2 ng Ikaw Lamang posibleng magkaroon uli ng hosting job si KC lalo pa’t may napatunayan na siya sa field na ito. Why not gyud!

Senyales na magiging Blockbuster,

MGA BATA MAY INTERES NA PANOORIN ANG “SHE’S DATING THE GANGSTER” NINA DANIEL AT KATHRYN

After Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na humamig ng mahigit P430 mil-yon sa takilya. Mukhang makada-jackpot na naman ang Star Cinema sa latest movie offering nila na “She’s Dating The Gangster”na pinagbibidahan ng isa sa hottest love team ngayon sa showbiz na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Yes trailer pa lang nito ay talagang kinagigiliwan na ng TV viewers what more kapag napanood pa nila ang super kilig na obra ni Direk Cathy Garcia Molina. Parang batang Robin Padilla ang character ni Daniel at si Kathryn this time ay ibang character naman ang ginagampanan sa movie.

Hindi lang ang mga bagets na sumusubaybay sa best selling Filipino novel na isinulat ni Bianca Bernardino at sa Wattpad na certified online hit ang mga nag-aabang sa pelikulang ito kundi pati mga bata ay inaantay na ang showing nito sa mga sinehan nationwide sa July 16.

Pati nga premiere night nito ay gagawin sa dalawang sinehan at kaliwa’t kanan na rin ang plano ng Kathniel fans para sa gagawin nilang block screening. Sino ba naman kasi ang hindi magkaka-interes na panoorin ito, lahat na yata ng gustong mapanood ng mga bagets generations ay nandito na.

Ang isa sa pinagkakapitan ng She’s Dating The Gangster, ang box office director na si Cathy Garcia-Molina na ang film credits ay kinabibilangan ng ilan sa pinaka-hindi-malilimutang love stories ng Star

Cinema gaya ng Close To You (2006), You Changed My Life (2008) at Four Sisters And A Wedding last year of 2013, ang biggest hit na Starting Over Again and many more.

Malaking factor rin ang panulat para sa pini-lakang tabing nina Carmi Raymundo at Charlene Bernardo. Isang kontemporaryong Pinoy love story ang She’s Dating The Gangster para sa ano mang edad. Umiikot ang istorya sa magkakadikit na mga buhay ng batang magkasintahan na sina Kenjie (Daniel) at Athena (Kathryn) na may major unfinished business na dapat nilang i-settle at isang unlikely couple (Kenneth at Kelay na gagampanan din nina Padilla at Bernardo) na ‘di inaasahang matatalisod sa pag-ibig sa kanya-kanyang layunin na itama ang mga bagay-bagay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang nakaraan at ang kasalukuyan ay pagtatagpuin sa isang malikhaing paraan sa nasabing pelikula sapagkat nananatiling totoo ito sa istorya na siyang dahilan kung bakit malaking tagumpay ang nobela ni Bernardino. Nadagdagan din ng ilang magagandang elemento ang pelikula na tiyak na magiging dahilan kung bakit ituturing ito bilang isa sa ‘di malilimutang love story sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Dala ng She’s Dating The Gangster ang unibersal na tema, na maaring pagtagumpayan ng pag-ibig ang paglipas ng mahabang panahon. Nag-aalay din ang film na ito ng pag-asa sa mga manonood. Pag-asa na hindi nila kailangan pang maghanap sa malayo para sa tunay na pag-ibig dahil maaari naman nasa harapan o tabi lamang nila ito. Mapapanood rin sa She’s Dating The Gangster sina Khalil Ramos, Sofia Andres, Pamu Pamorada, Marco Gumabao, John Uy, Alex Diaz, Igi Boy Flores at Yana Asistio. May special participation dito ang ipinagmamalaking iconic love team na sina Richard Gomez at Dawn Zalueta na hanggang ngayon ay malakas pa rin sa fans.

Bahagi ang She’s Dating The Gangster ng selebrasyon ng Star Cinema para sa kanilang 20 years na sa movie industry. I will watch this gyud!

BATANG NAG-POLE DANCING, ITINANGHAL NA “LITTLE MISS PHILIPPINES 2014” GRAND WINNER

Among the 18 Grand finalists of “Little Miss Philippines My Mini Me 2014,” na nag-down sa Magic 7 finalists ay si Allyza Imatong ng Montalban Rizal ang nag-standout sa lahat lalo na sa pagiging witty at ipinamalas na kakaibang talent na napakagaling sa pole dancing.

Yes sa murang edad ni Allyza, animo’y isa na siyang professional pole dancer kaya naman nagkaisa ang mga bigating judges na kinabibilangan nina Mike Enriquez, Sen. Grace Poe-Llamanzares, Dabarkads Aiza Seguerra, Mr. Elmer Villasanta at Carmina Villaroel na siya ang tanghaling grand winner sa Little Miss Philippines 2014.

Tumanggap ng tumataginting na P200, 000 cash si Allyza kasama ng sash at crown. Samantala, nakapag-uwi naman ng P75,000 cash ang kanyang first runner-up. Si contestant #16 Chrizela Alyanna Veloso naman ang nagwagi sa Dabarkads Choice Awards na ibinase sa nakuhang boto sa Official Fanpage ng Eat Bulaga.

Sigurado na ang magandang future na naghihintay para sa itinanghal na bagong Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Sa July 30 pala ay ipagdiriwang na ng EB ang kanilang 35th Year Anniversary sa mundo ng telebisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply