Thursday , June 4 2026

2 tulak utas mag-ama kritikal sa boga

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng Navotas City Police sa pamamaril at pagpatay sa dalawang lalaki habang lulan ng motorsiklo sa Navotas City.

Nadamay ang mag-amang sakay din ng motorsiklo.

Patay agad ang biktimang sina King Phillip Borja, 30, ng Governor A. Pascual St., Gulayan, Brgy. San Jose at Elisio Tana, 52, ng Buenaventura St., Brgy. Tangos, Malabon, sugatan at ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mag-amang Apronio Andrino, 39, at John Nikol, 15, kapwa ng M. Domingo St., Brgy. Tangos.

Ayon kay PO2 Exequiel Sangco, magkaangkas ang mga namatay na biktima nang harangin ng mga suspek saka niratrat hanggang mamatay sa kanto ng M. Domingo at Buenaventura streets, Barangay Tangos.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulong onsehan sa droga dahil kilala umanong drug pushers ang mga namatay.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …