Saturday , October 1 2022

Hinog na mangga at simbahan

Dear Señor H,

Pak ntrpret aman po, ngdrims aq na manga hinog, fave q ito fruit e, tas daw po ay ngpunta aq s smbahan… sumunod na ay may hawk aq pera, yun po yun drims q Señor sir, pak ntrpret po ha, wait q sagot nio s hataw n jst call me justin en plz dnt post my cp #, ok? Tnx po sir senor..

To Justin,

Kapag nakakita ng mangga sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa   fertility, sexual desires, at lust. Alternatively, maaaring may kaugnayan din ito sa relasyon na dapat mo nang bitiwan upang makapag-move-on ka na. Ang panaginip mo ay nagsasaad din ng new hopes, growth, desires, knowledge, at life. Ito rin ay may kaugnayan sa strength, protection, at stability. Ikaw ay naka-focus at nagko-concentrate sa iyong pansariling development at individuation. Ang mga prutas ay nagpapakita rin ng growth, abundance at financial gain. Sa kabilang banda, ito ay maaaring nagpapaalala rin sa iyo na kailangang dagdagan ang sipag at tiyaga upang maabot mo ang iyong mithiin sa buhay. Maaari rin namang nagre-represent ang mga prutas, kung ito ay hinog na, ng fertility at conception.

Kung napanaginipan na ikaw ay nasa simbahan, ito ay maaaring nagpapahayag na ikaw ay naghahanap ng spiritual enlightenment at guidance. Alternatively, ito ay posible rin namang may kinalaman sa pagkuwestiyon mo sa landas na tinatahak bilang pagrere-evaluate ng mga bagay na gusto mo talagang gawin.

Ang pera naman ay nagpapahayag na maaaring ang tagumpay at kasaganahan ay abot-kamay mo na kung ipagpapatuloy ang pagsisikap at pagpupursige para sa iyong mga minimithi sa buhay. Ang pera ay nagre-represent ng confidence, self-worth, success, o values at ikaw ay may tiwala sa sariling kakayahan o abilidad. Alternatively, ito ay maaari rin namang may kinalaman sa iyong pag-uugali o pananaw ukol sa love at matters of the heart.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply