Sunday , September 25 2022

3 estudyante niratrat todas 2 sugatan

TATLONG estudyante kabilang ang isang babae ang patay at kritikal ang dalawang kasama nang barilin ng pinaniniwalaang away sa fraternity habang nanonood ng telebisyon kamakalawa sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga namatay na sina Nathaniel Bacolod, 22, ng Blk. 20, Lot 24, Southville 8B, Brgy. San Isidro; Junmer Paraon, 22, ng nasabing lugar. at si Susan Mamaril, 21.

Nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC) ang dalawang pang mag-aaral na sina Roberto Moral, 23, ng Blk. 20, Lot 36, Southville at Pascualito Perlito, 21, ng Blk. 18, Lot 26, sa nasabi rin lugar.

Sa imbestigasyon ni SP01 Gerry Cordero, dakong 11:00 a.m. masayang nanonood ng telebisyon ang magkakaibigan nang pumasok ang hindi nakikilalang suspek sa gate ng bahay ni Bacolod at sila ay pinagbabaril.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa fraternity war ang insidente.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

No. 1  most wanted rapist ng Nueva Ecija, nasakote

ARESTADO sa inilatag na Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad ang nakatalang Rank no. 1 …

Masungi Georeserve

Peace and order sa Masungi Georeserve, ibabalik — Gen. Nartatez

TINIYAK ni Police Regional Office 4A Regional Director, P/BGen. Jose Melencion Nartatez, Jr., na agad …

Leave a Reply