Saturday , October 1 2022

Ang Lihim ng Revillaroja (Ika-5 labas)

“Ito ang gusto ko…” pagtuturo ng daliri ni Mary Joce sa nasabing kotse.

“Ah, okay…” aniya na agad naglabas ng cellphone sa bulsa ng suot na pantalong slack.

Agarang ipina-deliver ni Jomar sa kanilang kompanya ang kotseng nagustuhan ni Mary Joyce. Pero nang nasa garahe na ng mansion ng mga Revillaroja ang sasakyan ay tila biglang nagdalawang isip ang dalaga. Nagpaikot-ikot sa kulay puting kotse, nakakunot-noo, at nailing-iling.

“Parang napaka-extra ordinary pala ng kulay puti… “ anitong nakalinga kay Jomar. “Mas maganda siguro ang pink.”

Pumakla ang ngiti ni Jomar. “Costumer is always right,” bulong na lamang niya sa sarili. “Sige, Miss Joyce… ipasosoli ko ‘yan sa casa.”

Kinurot siya sa pisngi ng dalaga.

“Well and good…” ngiti nito.

Bahagyang umarko ang mga kilay ng binatang salesman. Gigil ba sa kapogian niya si Mary Joyce? O, talagang may pagka-flirt? At hindi na rin lang niya pinansin ang paghawak-hawak nito sa kanyang hita pag-upong pag-upo nila sa sofa. Palibhasa’y sa-nay sa babae, dinedma na lamang niya iyon.

Ibinalik ng delivery man ng kompanya nina Jomar ang kulay puting kotse upang palitan ng kulay pula na ganoon din ang klase at modelo. Pero tiyak na matatagalan bago makabalik sa mansion. Para hindi mainip ang binatang salesman ay nagbasa-basa muna siya ng magasin na nasa mesita ng sofa. Nagpaalam naman sa kanya ang dalaga na may kukunin lang daw saglit.

“Shot-shot lang tayo habang naghihintay,” sabi kay Jomar ni Joyce na may bitbit na blue label sa pagbabalik.

Nagsalin agad ng alak sa dalawang kopita ang dalaga. May tinawag siyang pa-ngalan ng babae na dali-daling lumapit. Hiningan ng yelo sa ice bucket ang kasambahay at pinaglabas din ng ubas at hiwa-hiwang mansanas, pinya at pakwan.

Pinagbigyan ni Jomar ng hanggang tatlong shot ng blue label si Mary Joyce. Ang labis doon ay tinanggihan na niya. Ikinatwiran niya sa dalaga na mayroon pa siyang ibang transaksiyon na pupuntahan. Pero naging magiit ang dalaga. Nang muling magsalin ng alak sa kopita at ipagduldulan sa bibig niya ay naligwak iyon.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply