Friday , January 28 2022

Pinakamataas na water slide sa mundo

NOONG walang gustong magtayo ng pinakamataas na water slide sa mundo, si Jeff Henry ang kumilos para magawa ito.

Kaya nang makompleto ang Verrückt, at panahon na para subukan ang 168-talampakang coaster sa Kansas Water Park sa Kansas City, naging madali ang pagpili sa magiging test rider nito.

“Nakakikilabot,” pahayag ng assistant at head designer ni Henry na si John Schooley. “Pero masaya rin, pero talagang nakatatakot.”

Kamakailan ay nagbukas sa publiko ang water slide sa kabila ng technical glitch sa unang pagsubok nito.

Opisyal na sinertipikahan ng Guinness World Records noong Mayo na ito ang pinakamataas sa mundo, Ang Verrückt—na sa wikang Aleman ay ‘insane’ o ‘wala sa katinuan’ ang kahulugan— ay mas mataas ng limang talampakan kaysa dating record holder, ang water slide sa Rio de Janeiro Country Club.

Sa tunay na sukat, ito’y may taas na 168 talampakan at pito pulgada at para sa malinaw na perspektibo ng free fall nito, mas mahaba ang plunge kaysa Niagara Falls.

“May tatlo o apat na karanasan sa pagsakay ng Verrückt,” ani Schooley. “May isang tatlong-segundong free fall bago ka ilunsad sa isang ‘weightless situation’ ng ilang segundo at saka magpapatihulog sa roller coaster ride sa mahabang splash down pababa.”

Ang pinagmulan ng Verrückt ay ka-sing extreme ng mismong water slide.

Ayon kay Schooley, nasa isang trade show ang may-aring si Henry at doon na nagdesisyon na gusto niyang magtayo ng pinakamataas at pinakamabilis na water slide sa isa sa kanyang limang Schlitterbahn water park. Agad niyang ibinenta ang kanyang ideya sa mga vendor, na tumanggi, subalit tumanggi rin siyang hindi matuloy ang proyekto.

“Nagdesisyon siya na siya na lang mismo ang magtatayo nito,” dagdag ni Schooley.

“May malawak kaming karanasan sa pagtatayo ng mga water park ride at pag-develop din ng bagong teknolohiya. Ang aming park sa Kansas City ay walang height restriction kaya nag-decide kami na dito itayo.”

Ayon sa mga park officials, aabot ang top speed ng Verrückt sa 40 hanggang 50 milya kada oras.

Ang Schiltterbahn, na nakatayo ang Verrückt ay tahanan din ng Master Blaster, ang popular na uphill water coaster na mahigit 1,000 talampakan ang haba.

Bukod sa nakaki-kilabot na free fall ng water slide, mayroon pa rin kakaibang feature ito: ang hagdan.

“Challenging din ang pag-akyat dito,” ani Schooley.

“Sa tingin ko, umaabot ito ng 260 baytang para makarating sa itaas.”

Humigit-kumulang sa 17 palapag ito.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Sipon at ubo tanggal sa Krystall herbal oil suob at mainit na Krystall nature herbs

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Rencel Eustaquio, 38 years old, taga-Pakil, Laguna. …

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Leave a Reply