Friday , October 7 2022

Direktor, ipinakulong ng dating aktres!

ni Pete Ampoloquio, Jr.

Hahahahahahahahaha! Kaya pala hin-di na visible sa show business ang isang indie director ay dahil nakadekwat siya ng half a million pesos sa isang dating aktres na stable na ngayon ang finances dahil sa kanyang utol na fabulous ang career at all-out sa pagtulong sa kanila ng kanyang mister.

Nag-commit pala ang directed by na gagawa ng isang indie movie sa film outfit ng mabait na dating aktres but for some reasons beyond the quondam actress’s comprehension, bigla na lang nagbabu sa show business ang gay director at nagtago na lang sa probinsya. Hahahahahahahahahaha!

What a waste! Ipinagpalit niya ang kanyang burgeoning career as a director sa halagang kikitain pa naman niya had he persevered and stuck it out in the business.

Well, obviously, ombre na naman ang na-ging dahilan ng lahat.

Anyhow, nang mahuli siya ng mga authorities, come to the rescue naman ang kanyang kaibigang aktres na makuh (makuh daw talaga, o! Hahahahahahahahaha!) sa press pero baitera naman sa kanyang mga showbiz friends.

At dahil sa nakasama naman niya ang actress-turned business woman sa isang showbiz oriented show no’ng kanilang kabataan, she tried to mediate and goaded her colleague to have the case dropped.

Pero decided na nga ang actress-turned producer na i-push through ang kaso at pagbayarin ang direktor. Well, not for anyting else but I think the actress has a point here. Dapat naman talagang maturuan ng leksyon ang mga taong tulad ng direktor dahil money’s hard to come by these days and it’s not something that you get to pick on the street.

‘Yun lang!

USO PA RIN ANG PAKIKISAMA SA SHOW BUSINESS

Na-touch kami sa colleague naming si Troy Catan na nang hingan namin ng pabor lately in connection with an event sponsored by the tabloid we edit ay hindi nagdalawang salita at kinontak agad-agad niya ang kanyang kaibigang indie actress na si Rajah Montero para dumalo sa event na ‘yun ng Toda na ginanap sa Amoranto Stadium last Saturday.

Hitsurang ngarag sa magdamagang pagsu-shoot, gora agad si Rajah with Troy sa Amoranto Stadium at wait until dark (wait until dark daw, o! Hahahahahahahaha!) para pasayahin ang mga barakong Toda members.

Na-touch din kami sa friend of long standing naming si Natasha Ledesma na hindi kami nagda-lawang salita at omoo agad nang hingan namin ng pabor. Mereseng may out of town show siya that evening, apir talaga siya with matching Rick-rick Sabick in tow. Hahahahahahahahahaha!

Indeed, good friends come in handy when you’re badly in need of them.

Predictably so, hataw ang performance nina Nata at Rajah at enjoy talaga sa kanila ang mga barakong

Toda members lalo na’t gumigiling-giling sila in a highly seductive manner. Hahahahahahahahaha!

Thanks my darling fiends. Tunay namang kayo’y maaasahan.

WALANG KEBER SA KANYANG MACHO IMAGE

Hahahahahahahaha! Praktikal ang young actor na ‘to na nali-link sa isang chinky-eyed popular actress at walang keber at pakialam sa sa-sabihin ng mga tao, the nosy press in particular.

Mereseng hunk ang kanyang image, he’s into selling beauty products lately at never niya itong ikinahiya as long as wala naman siyang ina-agrabyadong ibang tao.

Oo nga naman.

Ang importante, burgeoning ang kanyang skin care business dahil shining example nga naman ang kanyang flawless skin tone ng mga beauty products niyang ibinebenta. Harharharharhar!

MAGTATAPOS NA ESKALERA ANG RATING!

Cool na cool si Anne Curtis at walang keber sa mga ngetpalites (ngetpalites raw talaga, o! Hahaha- hahahaha!) na intrigero’t intrigera na paboritong okrayin ang kanyang top-rating soap na Dyesebel at ABS CBN.

Sa rating nitong 30.1%, may dapat pa ba siyang patunayan?

Hahahahahahahahahahahahaha!

Sa pagtatapos ng serye, inaabangan nang sandamakmak na tagasubaybay nito kung magtatagumpay ang maitim na balak ni Betty at ng mga kapanalig niya.

But are they going to be triumphant? Hahahahahahahaha!

Malabo siguro. Hahahahahahahaha!

Siyempre in the end, magtatagumpay pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan.

Dapat lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

About hataw tabloid

Check Also

Serena Dalrymple Thomas Bredillet

Dating child star na si Serena Dalrymple ikinasal na

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng dating Kapamilya child star na si Serena Dalrymple sa kanyang Instagram ang ilan sa mga kuhang …

Heart Evangelista

Heart nakabili na ng apartment abroad

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram live kamakailan, ibinahagi ni Heart Evangelista na nakabili na siya ng …

Xian Lim Kim Chiu

Kim umamin: kasal pinag-uusapan na nila ni Xian 

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Kim Chiu saPep.ph, sinabi niya na napapag-usapan na nila …

Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya nagyakapan nang magkita sa GMA 

RATED Rni Rommel Gonzales SPEAKING of kilig, kilig din ang hatid ng recent guesting ng Start-Up …

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Leave a Reply