Monday , September 26 2022

The same ‘old’ guy whose name is Bong Naguiat

00 Bulabugin JSY
MARAMI ang nagpapatanong nito sa atin para kay Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) Chairman Cristino “Bong” Naguiat, Jr.

“Hindi pa rin ba nagbabago si Bong Naguiat?”

Noon po kasing ikalawang taon ni Mr. Naguiat bilang Chairman ng PAGCOR, mayroong lumapit sa inyong lingkod na isang events promo girl.

Ang nagreklamo po ay promo girl mismo ng PAGCOR.

Sabi niya, sa isang event umano nila ay parang nalasing si Mr. Naguiat at pilit siyang hinahalikan. Buti na lang nga at malakas ang loob niya kaya naitaboy niya nang walang eskandal0 si Chairman.

Pero naniniwala siya na marami ang nakakita sa nasabing pangyayari.

After natin mailabas ang nasabing reklamo sa ating kolum, agad nakipag-ugnayan sa inyong lingkod ang isang Mr. JB ng Pagcor, gusto raw makipag-usap ni Mr. Naguiat para naman maipaliwanag ang kanyang panig.

Nagkausap namin kami, doon pa nga sa upper floor sa isang Chinese restaurant ng HYATT Hotel.

Baka raw may isusunod pa ako sa aking kolum, huwag ko na raw sundan kasi mukhang na-misinterpret lang daw ang mga aksyon niya.

Kausapin ko na rin daw ‘yung babae at baka lumaki pa ang eskandalo. Na pinagbigyan ko naman sa ngalan ng friendship.

Anyway, nalampasan na ni Chairman Naguiat ang insidenteng iyon sa kanyang buhay.

At hindi na rin naman kami nagkikita, maliban kung nagkakasalubong sa isang lugar o may okasyon na pareho kaming naiimbitahan.

Ngayon ay nahaharap na naman sa isang malaking kontrobersiya si Chairman Naguiat.

Nananawagan ang House minority block sa Kamara na tanggalin na si Naguiat sa PAGCOR bilang Chairman dahil umano sa hindi maipaliwanag na anomalyang kinasasangkutan.

Marami na rin ang humihiling na isailalim na siya sa lifestyle check dahil parang hinipang lobo raw ang kanyang pagyaman.

Pero sa totoo lang, may iba pang dapat silipin sina Party-list Rep. Neri Colmenares — ‘yan ‘yung pagbibigay ng ads contract sa mga diyaryo, radio at telebisyon na daan-daan milyong piso ang ginagastos.

Ang ipinagtataka lang no’ng ibang naaambunan ng maliliit na ads, daan-daang milyones ang kanilang gastos pero kung magbayad naman sila ay halos abutin ng isang taon.

Pero ‘yung binubuhusan nila ng ADS at regular na binabayaran nang maaga ‘e ‘yun pang mga banat nang banat kay PNoy …

Kakakiba ‘di ba?!

By the way, pwede bang isama na rin a lifestyle check si PAGCOR PR head Madam Maricang este Maricar Bautista dahil siya ang itinuturong may kinalaman sa daan-daang milyones na ADS na ‘yan …

Ang tanong lang kay Madam Maricar ‘e, bakit ang mas napapaboran ‘e ‘yung panay ang banat kay PNoy … may ‘malaki’ bang cash-sunduan este kasunduan d’yan?!

Paki-esplikang-kang ‘este paki-esplika na rin nga, Ms. Bautista!

JUETENG OPS NI BOLOK SANTOS SA METRO SOUTH OPENING SALVO NA BUKAS! (MARTES)

NGUMITI raw nang napakahaba at napakalaki ang mga kabo, area manager at management na dumalo sa ipinatawag na meeting sa bahay ni BOLOK SANTOS sa Narra St., Marikina City nitong nakaraang Huwebes para sa kanilang jueteng operation sa Metro South an magsisimula bukas.

Isang tsinoy na alyas KEVIN daw ang naglatag at kumamada ng jueteng operation ni Bolok Santos sa Metro South gaya sa Pasay, Makati, Taguig, Las Piñas, Parañaque, at Muntinlupa.

Ang pangako ni KEVIN kay BOLOK, “Swak tayo sa Martes!”

Malakas daw ang loob ni Kevin na ipangako ‘yan kay Bolok Santos dahil kompleto ang packaging nila.

Mula umano sa DILG, PNP NCRPO, NBI, sa ITAAS  at sa SPD. Pati nga raw mga COP at PCP commanders areglado rin!?

Aba, kung totoo ‘yan, madali natin mararamdaman ‘yan dahil mananahimik lang ang PNP officials.

At dahil sa pagtitiyak na ‘yan ni BOLOK SANTOS talaga namang todo-kain at todo-inom ang ginawa ng mga kabo, area manager at management ay mayroon pang pasahe pag-uwi.

SILG Sec. Mar Roxas, sir, aabangan mo na lang ba kung matutuloy o hindi ang jueteng operation ni Bolok Santos?!

O baka naman areglado na ang parating sa PNP at hindi mo na kailangan maghintay?!

Paging PNP chief, ALAN PURISIMA and SILG MAR ROXAS!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Editor at kolumnista ng Hataw bibigyang parangal sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022 

MATABILni John Fontanilla BIBIGYANG-PARANGAL ng Asian Business Excellence Awards ang ilang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply