Tuesday , January 31 2023

GMA executives, super disappointed sa show ni Marian (Dahil sa sobrang baba ng ratings at ‘di pinapasok ng commercial)

ni Alex Brosas

MARAHIL ay  hindi alam ng fans pero there was a time pala na naging magdyowa sina Mark Herras at Marian Rivera.

Nangyari ito noong  starlet pa si Marian habang established name na si Mark. Naging secret  ang kanilang relasyon, only a  few GMA staff knew about it.

Ang chika pa, madalas na makita si Mark  sa bahay ni Marian  sa Cavite noon. Kung walang work ay asahan mong naroroon siya buong magdamag.

Pero nagbago ang lahat nang ini-launch si Marian bilang Marimar. Naputol ang kanilang ugnayan.

Alam kaya ng fans ni Marian na one time ay naging boyfriend ng idol nila si Mark? For sure, ang alam nila ay sina Ervic Vijandre at si Dingdong Dantes lang ang naging dyowa ng kanilang idol.

Anyway, mapaglaro ang tadhana. It seems fated na sumikat si Marian at nalaos si Mark. Marian is such a big name now, sikat na sikat na at pambato ng Siete.

May nakapagsabi sa amin na iba  na ngayon ang sitwasyon. Hindi na nga raw puwedeng makitang magkadikit sina Marian at Mark kapag mayroon silang guesting together. Ito raw ang policy sa GMA-7. Lahat ng staff ay alam ’yang ganyang set-up.

Bakit kaya? Kaninong policy ito, kay Marian, sa GMA or kay Dingdong?

Anyway, mayroong dance show si Marian at si Mark naman ay sinasabing Bad Boy ng Dance Floor. Makita kaya nating  mag-guest si Mark sa dance show ni Marian.

Say ng aming kausap, napakalabo nitong mangyari. Iniiwas nga ng GMA management si Marian kay Mark, ’no!

So, kahit na pala anong galing ni Mark sa pagsasayaw ay mababalewala lang dahil he can never guest on Marian’s dance show.

Still on Marian, naaawa ang ilan dahil parang spaghetti na pababa nang pababa ang rating ng kanyang dance show. From 9% na rating ng pilot episode ay naging7% daw ang rating nito. How sad, ’di ba?

Kasi naman, flashback  ang nangyayari, parang throwback parati ang show. Sino   ang makaka-relate na bagets sa mga sayaw na sinauna pa.  Isa pa,   may limitation si Marian as a host.  Hindi niya kaya ang mag-Ingles kaya naman puro Tagalog ang spiels niya.

Super disappointed daw  ang executives ng GMA-7 dahil sa ubod ng baba ang rating ng dance show ni Marian.  Bukod dito,  hindi rin daw masyadong pinapasok ng commercial ang show.

Ano ba ang nangyayari kay Marian? Ang last soap niya flop. Her last movie was a  flop. Ang dance show niya ngayon ay flop din.

This makes Marian the seemingly UNDISPUTED FLOP QUEEN of GMA.

About hataw tabloid

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply