Tuesday , September 27 2022

Globe Telecom Network 100% 3G na ngayon (4G coverage sa loob ng 90 araw)

ANG Globe Telecom ang unang telecommunications company sa Pilipinas na natamo ang 100% 3G coverage para sa buong network nito, na nagbigay sa kanilang customers ng high-speed wireless internet para sa mas mabilis na data interchange sa kanilang mobile devices.

Umaasa rin ang Globe na ganap na mabibigyan ang network nito ng mas makabagong 4G infrastructure, na may HSPA+ technology, sa pagtatapos ng third quarter. Higit nitong mapalalakas ang kakayahan ng kompanya na magkaloob ng kahanga-hangang digital lifestyle experience sa lumolobong 43 million customers nito na mararanasan ang mas mabilis na data connectivity kahit gumagamit sila ng bandwidth-intensive multimedia data applications, tulad ng video at photography.

“With a 100% 3G network, we now have a robust capacity for high-speed mobile data access. Providing our network with full HSPA+ coverage in 90 days will provide an even faster mobile internet experience. This increases potential for more digital innovation and enhances wonderful customer experience,” pahayag ni Globe President & CEO Ernest Cu, at idinagdag na ang pinagsamang 3G at 4G infrastructure ng Globe Teleco ay lalong magtutulak sa mobile data explosion sa bansa sa gitna ng lumalaking pangangailangan sa smartphones.

Ang paglalatag ng 3G at 4G HSPA+infrastructure para sa buong  Globe network ay bahagi ng transformation efforts ng kompanya, na naghatid ng pinaka-modernong telecommunications infrastructure sa Pilipinas. Ang pagbabagong-anyo ay nagpalawak sa coverage sa major points of convergence at nagkaloob ng mas maaasahang network, hindi lamang para sa messaging at voice-calls, kundi para sa mabilis na internet connection.

Ayon kay Cu, ang transformation initiative ng Globe Telecom ay nagpalakas din sa in-building coverage sa major malls, hotels, hospitals, major highways at airports, na lalong nagpayaman sa karanasan ng mga customer.

“The benefits of staying connected have never been greater, leading to the growing prevalence of smartphones and other mobile devices. People are able to experience high-speed internet, allowing them to stay connected to their homes and offices anytime and anywhere, making it so much easier for our customers to stay productive even when doing many other things,” ani Cu.

Upang lalong mapalawak ang coverage nito sa buong bansa, ang  Globe ay nagtatayo rin ng mga karagdagang 3G at 4G cell sites. Sa pagtatapos ng taon, ang kabuuang bilang ng cell sites ng Globe Telecom ay inaasahang mahigit sa 6,500. “Our transformation journey does not end with the 3G and 4G technologies.  We will continue to improve our network’s infrastructure to accommodate our customers’ fast-paced digital lifestyle needs,” dagdag ni Cu.

Ang makabagong telecommunications infrastructure ng Globe ay inaasahang lalong magpaparami sa mga subscriber nito. Habang patuloy ang kompanya sa pag-akit ng high-end customers kapwa sa postpaid at prepaid segments, ang bilang ng Globe customers na gumagamit ng mobile data, na tinatayang nasa 30% ng total subscriber base, ay inaasahang lalo pang lolobo.

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Leave a Reply