Ang Zodiac Mo

Aries (April 18-May 13) Nakadepende ka sa ibang tao at sobra ang tiwala mo sa kanila.

Taurus (May 13-June 21) Kung nais subukan ang swerte, makinig sa iyong intuition at ihiwalay ang reyalidad sa fiction.

Gemini (June 21-July 20) Ikaw ay malihim, misteryoso at palaging nangangarap.

Cancer (July 20-Aug. 10) Sisikapin mong matagpuan ang kasagutan sa mahirap na katanungan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong focus sa materyal ay malilipat sa spiritual.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Huwag makikisangkot sa isyung wala kang kinalaman.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hindi ka masaya sa mga nangyayari, hangad mo ang pagbabago sa sitwasyon.

Scorpio (Nov. 23-29) Busisiin ang ano mang proposal. Huwag agad papasok sa kontrata nang hindi sigurado.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang kailangan mo sa relasyon ay katapatan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang kawalan ng kompyansa ay magkakaroon ng negatibong epekto sa kalidad ng iyong trabaho.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Naghahangad ka ng pagbabago, pagsusumikapan mo ito.

Pisces (March 11-April 18) Ang mga nasa malayong lugar ay malulungkot, nanaising agad nang makauwi.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang iyong pagkauhaw sa kalayaan ay titindi pa ngayon.

Lady Dee