Wednesday , August 10 2022

Pure Love, mas may effort makapagbigay ng magandang panoorin

ni Ed de Leon

CLOSED daw muna ang heart ni Alex Gonzaga sa ngayon dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Iyan ang sinabi niya kahit na umamin mismo ang kanyang co-star sa bago niyang seryeng Pure Heart na si Arjo Atayde na matagal na siyang may crush sa leading lady. Pero si Arjo naman daw, nakahandang maghintay kung kailan muling mabubuksan ang puso ni Alex.

Pero tama sila pareho eh. Bago buksan ang puso, isipin muna ang kalalabasan ng kanilang seryeng Pure Love, dahil ang papalitan nilang serye ay mataas din ang ratings. Iyon nga lang, hindi rin naman maikakaila na ang mga artista ng papalitan nilang serye ay mas malalaki kaysa nasa cast ng kanilang Pure Love.

Pero siguro naman sila pa rin ang panalo, dahil ang makakatapat nila ay re-run lamang ng isang Korea telenovela na napanood na ng mga tao noong araw pa. At least iyang Pure Love ay adaptation ng isang Korea novela, hindi isang re-run. At least mas may effort naman at makikita mong naroroon ang sincere desire na magbigay ng magandang panoorin sa publiko.

About hataw tabloid

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Leave a Reply