Monday , August 8 2022

Pokwang, nakalimot na sa pinanggalingan?

ni Vir Gonzales

MAY mga nagtatampo pala kay Pokwang. Noong panahon daw nasa comedy bar pa lang ito ay simpleng-simple lang at palabati. Pero noong mabigyan ng break, parang lumabo ang kanyang mata. ‘Yung mga dating pinanggalingan n’ya like Music Box, parang nagbibisi-bisihan syang hindi matanggap ang inaalok.

May nagkomento, hindi dapat s’ya malunod sa isang basong tubig, wala nga makasagot noong tanungin, kung ang klik ba ang tambalan nila ni Zanjoe Marudo? Huwag muna daw Pokwang, maaga pa para malunod ka agad. Weder weder lan ‘yan, Day. Baka masalubong mo sila, pagbaba mo.

ALESSANDRA, ‘DI TAMANG NAKIKIPAGTARAYAN KAY MARIA

HINDI dapat makipagtarayan si Alexandra de Rossi kay Maricel Soriano sa pinagsasamahan nilang serye. Respetadong aktres si Maricel at matured sa kanya, dapat may respeto siya.

Si Meagan Aguilar lang, anak ni Freddie Aguilar ang babaeng lumaban sa magulang, sabi nga ng marami.

MONA LOUISE, TALENTADONG BATA

BATA pa si Mona Louise Rey, nine years old pa lang pero nakatutulong na sa magulang. Hiwalay ang parents niya, nasa Saudi ang daddy niya. Hilig ni Mona  ang mag-artista.

Noong  minsang magawi si Mona sa programa ni Willie Revillame, binigyan siya ng P10,000 noong makita ng actor/TV host. Nagandahan kasi sa kanya at hindi akalaing taga-GMA pala. Siyempre, naman hindi na binawi ang give kasi talaga ‘yon para kay Mona Louise.

May bago siyang teleserye sa GMA, ang BFF kasama si Jillian Ward. Magaling kumanta si Mona, lalo na kapag ang kinakanta ay ang Let it Go.

About hataw tabloid

Check Also

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Kylie Padilla

Kylie kalmado na ang puso

I-FLEXni Jun Nardo PICTURE at video na hinihipan ang cake ng anak na si Alas ang naka-post …

Blind Item, Men

Male newcomer dagsa ang offer sa mga bading na gusto siyang maka-date

ni Ed de Leon NATATAWA kami habang nagkukuwento ang isang male newcomer. Hindi rin naman kasi …

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Kris Aquino Cristy Fermin Romel Chika Morly Alinio

Kris balik-Singapore sa pagpapagamot

MA at PAni Rommel Placente MULA sa Houston, Texas USA, ay lilipad papuntang Singapore si Kris …

Leave a Reply