Tuesday , January 31 2023

Davao City inalerto ng pangulo

062914_FRONT

PINULONG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga lokal na opisyal at matataas na pinuno ng law enforcement agencies makaraan makatanggap ng tawag mula kay Pangulong Benigno Aquino III para ipaalam na may banta sa seguridad ang lungsod.

Kamakalawa ng gabi inilagay sa heightened alert ang buong Davao City bilang pagtalima sa ibinigay na impormasyon ni Aquino.

Hindi na idinetalye ni Duterte ang pinag-usapan nila ng pangulo tungkol sa sinasabing banta sa seguridad ng lungsod.

Ayon sa alkalde, ibinilin sa kanya ng pangulo na “don’t take it lightly” ang ibinigay na impormasyon, na ibinilin rin ni Duterte sa mga opisyal na kanyang pinulong.

Gayon man, tiniyak ni Duterte na kontrolado nila ang sitwasyon at handa silang harapin ang ano mang banta sa seguridad sa lungsod.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …

cyber libel Computer Posas Court

Sex offenders database itinutulak ng senador

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng isang pambansang database ng mga sex …

Leave a Reply