Monday , August 15 2022

Arjo, willing maghintay bumukas sa saradong puso ni Alex

062914 alex arjo

ni Reggee Bonoan

Samantala, si Arjo Atayde ang love interest ni Alex sa Pure Love at aminado ang kapatid ni Toni Gonzaga na mas malapit siya sa anak ni Sylvia Sanchez kompara sa isa pang leading man niyang si Joseph Marco.

“Nauna ko kasing maging close si Arjo at magkasama kami sa workshop, si Marco hindi pa.

“Okay si Arjo, laging nagpapakain sa set, siya ang catering naming. Kami na nga ang nagsasabi kung anong food gusto namin, ha, ha, ha, ha at hindi na kami sa production nagre-request ng kakainin namin.

“Masayang katrabaho si Arjo kasi ang galing-galing niyang umarte at ‘pag nasa eksena, ramdam na ramdam mong hindi siya si Arjo, mahusay siya, baka may pinagmanahan siya,” natawang kuwento ni Alex habang nakikinig mabuti ang batang aktor.

Kilalang komedyana si Alex tulad ng ate Toni niya kaya tinanong kung mababago ba ng Pure Love ang pagka-komikera niya dahil drama ang Pinoy adaptation ng 49 Days.

“Ano po, tinitimpla po namin kasi gusto po namin na kahit mabigat ‘yung topic (eksena) dito sa soap, pero kasi ‘yung character ni Diane si positive, so ‘yung pagiging positive niya ay ang pagiging fun niya,” sabi ng dalaga.

Aminado si Alex na new experience sa kanya ang drama dahil hindi naman daw siya rito nakilala at nagustuhan ng tao, “nagpapasalamat po ako kasi nabigyan ako ng ibang role, kasi kapag nagpapatawa, normal na ‘yun kahit off-cam ganoon.”

Napunta ang usapan sa lovelife ni Alex at inamin niya na hindi naging Pure Love ang relasyon nila ng ex-boyfriend niyang pinsan ni Chris Tiu kaya madali rin silang nagkahiwalay bukod pa sa hindi boto ang ate Toni niya.

“Actually, hindi ko po kino-consider ‘yun kasi ang tagal-tagal nanligaw tapos noong naging official na kami, ang bilis lang, so parang hindi ko naramdaman kaya hindi ko siya kino-consider kasi hindi siya pure, ha, ha, ha, siniraan ko raw.

“Hindi siya talaga meant to be at hindi rin gusto ng ate ko,” pagtatapat ni Alex.

As of now ay sarado raw ang puso ni Alex at career muna ang aasikasuhin niya kaya kung may mga gustong manligaw sa kanya ay maghintay na lang kung kailan siya handang mag-entertain.

Eh, si Arjo raw willing to wait kung kailan magbubukas ang pintuan ni Alex kasi pure raw ang intension nito sa bunso ni Mommy Pinty, “eh, ‘di mag-wait siya, try to knock,” birong sabi ng dalaga.

At sa binanggit naming mas magaling siyang mag-drama kaysa ate Toni niya, “naku, ayaw ni Mommy Pinty,” sabi sa amin.

Mapapanood na ang Pure Love sa Hulyo 7 kapalit ng Mira Bella at makakasama ni Alex sina Yen Santos, Arjo, Aahron Villaflor, Joseph, Matt Evans, Yam Concepcion at ipinakikilala si Anna Luna. Kukompleto sa cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, Shey Bustamante. Ang Pure Love ay ididirehe nina Veronica Velasco at Mikey Del Rosario.

About Reggee Bonoan

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply