Friday , February 3 2023

Miles, suwail na anak?

062814 miles ocampo

ni Reggee Bonoan

KAHALAGAHAN ng pagsunod sa mga magulang ang ituturo nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles sa mga bata ngayong Linggo (Hunyo 29) sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na pinamagatang Witch-A-Makulit.

Sa kabila ng utos ng kanilang Tatay Pinong (Benjie Paras) at Ate Jade (Inah), gagamitin pa rin ni Krystal (Miles) ang kanyang super powers para makuha ang pagtanggap ng mga taong inaakala niyang kaibigan. Matututuhan na ba ni Krystal na sundin ang kanyang ama kapag nakasakit na siya ng ibang tao? Ano ang gagawin ng magkakapatid na Jade, Krystal, at Emerald (Alyanna) kapag natunton sila ng ibang mangkukulam?

Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno mula sa panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at idinirehe ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

About Reggee Bonoan

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply