Wednesday , August 17 2022

Batang naligo sa ulan nalunod sa estero

PATAY ang isang 7-anyos na batang lalaki nang tangayin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Jonard Pinoquio, ng 2416 Blumentritt St., Sta. Cruz, Maynila sa Estero de Antipolo.

Nabatid na nakuha ni SN 1 Rennel Quiacos, ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng biktima kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ina ng biktima na si Annablee Desangge, nagpaalam ang anak na maliligo sa ulan kasama ang kaibigan pero hindi na nakauwi pa hanggang matagpuan ang bangkay.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel …

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
7 TUPADA BOYS, 2 KAWATAN, 2 TULAK TIMBOG

NADAKIP ng mga awtoridad ang ang pitong nagtutupada, dalawang suspek sa insidente ng nakawan, at …

Muntinlupa Police

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station …

Leave a Reply