Sunday , August 14 2022

Kuya Boy, binanatan ng mga Noranian

ni Alex Brosas

NAG-BOOMERANG kay Boy Abunda ang pagdipensa niya sa pag-alis sa name ni Nora Aunor sa National Artist lists.

Ang daming nagalit kay Boy when he said, ”I do not question the authority of the president to include or exclude one name or all or some of the names brought to his office because it is a legal right of the president,” bilang pagtatanggol sa choice ni president Noynoy Aquino. Kahit na sinabi ni Tito Boy na big fan siya ni Ate Guy at naniniwala siyang karapat-dapat itong maging National Artist ay hindi nagpapigil ang galit na Noranians.

“Boy Abunda should not declare from now on that he is a Noranian. He is showing his true color. He has no principle and by defending the act of this stupid, unlettered and arrogant president, he has proven his blind allegiance to the Aquinos. I will not and cannot forgive him for this and will never forget him for his cowardice. And this President? I was right all along in voting for Gibo. History is slowly vindicating us. By 2016 he will no longer be president and I am almost certainly sure Roxas will never be president. I will just wait for Nora Aunor to be proclaimed National Artist by then,”maanghang na litanya ng isang maka-Nora.

“Labis sa salita kulang naman sa GAWa. Yan ang nakita Ko Kay Boy Abunda. Mula noon pa di ako tiwala sa kanya. Yong mga taong magaling mag nilay nilay ng salita yon ang mga taong walang prinsipyo. Noon pa kita Ko na Kay Boy Abunda yan. Bakit si Toni Gonzaga di fan ni Superstar Pero may lakas ng loob na mag puri! Itong si Boy lagi Sabi na idol niya wala rin naman. Saan pa Siya kampi sa Panot na kapareho niya. Boy and Noy ang mga Girlas ng Silangan!” walang takot ring sabi ng isang guy fan.

“Para sa akin hindi siya totoo na noranian, plastic ka Boy sayang parehas panaman tayo mga taga waray- waray nawala na ang paghanga ko saiyo. kung ikaw tunay na noranian ngayon mo ipakita sa buong mundo na kaya mong ipagtanggol si ate guy !!!!”one fearless guy said.

Ano kaya ang magiging reaction dito ni Tito Boy?

About hataw tabloid

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply