Wednesday , August 10 2022

Boy Abunda never naging sipsip kay President Noynoy Aquino

ni Peter Ledesma

Ayaw talagang tantanan ng mga insecure na basher si Kuya Boy Abunda. Porke nagpahayag lang ng kanyang saloobin si Kuya Boy tungkol sa mother story ngayon sa showbiz na hindi pagkakahirang ni Nora Aunor bilang National Artist, na lahat ay sinisisi kay President Noynoy Aquino. Na porke nagpaliwanag lang ang nasabing King of Talk sa issue, na karapatan ng pangulo ng bansa kung sino ang tatanggalin nito sa listahan o hindi sa listahan ng mga National Artists. Hayun kung ano-anong pangba-bash na ang ginagawa ng mga engot na basher na ito kung saan pinararatangan pa nilang sipsip sa pangulo si Kuya Boy at kinuwestiyon rin ng mga ito ang pagiging true blood Noranian ng Kapamilya TV host. Hello? labas na sa usapan ang pagiging Noranian ni Kuya Boy at totoo naman talaga sa puso niya na tagahanga siya ng superstar at mahal niya si Ate Guy. Ang sa kanya lang ay inirerespeto niya ang na-ging desisyon ng ating presidente. Eversince ay hindi naging sipsip kay PNoy si Kuya Boy. Bakit? In the first place, big name na siya sa showbiz so hindi niya kailangan pa ang mambola o magpalapad ng papel sa pangulo para magka-career. Kung ‘yan ang iniisip ng mga taong naninira ngayon kay Kuya Boy, bahala kayo basta for us walang ginagawang masama ang sikat na host na kilalang mabait at matungin sa kapwa.

Ambot sa inyo gyud!

DATING DANCER ACTRESS NA SI MALOU TODA, LIGAWIN KAYA PINAKASALAN AGAD NG JAPANESE ARCHITECT HUSBAND

Blind item na lang natin pero may isang guy na kapatid ng actor noong 90s na patay na patay pala sa dating dancer actress during 80s na si Malou Toda at hindi lang siya marami pa huh. Imagine! Talagang lahat ay ginagawa niya para ma-win back lang si Malou. Pero dahil faithful at matinong wife at mother of three beautiful kids, ang ex celebrity sa Japanese husband na si Mr. Manabu Toda na sikat na Archetic sa buong Japan talagang deadma na nang tuluyan ni Ma-lou ang tinutukoy nating lalaki na nag-asawa na nga’t lahat pero siya pa rin ang gusto. Well masuwerte si Mr. Toda dahil bukod sa masarap magmahal si Malou ay tapat pa sa kanya. Kung sa ibang girl nangyari ‘yun ay posibleng nangaliwa na. Kuwento ni Malou, sobrang na-inlove talaga sa kanya ang Mister na Hapon dahil nang ipakilala ng isang kaibigan noong magpunta sa Pinas nang makita siya ng ama ng mga anak ay hindi na siya pinakawalan at agad-agad pinakasalan. Naniniguro lang si Mr. Manabu at mahirap na at baka maagaw pa ng iba sa kanya ang nasabing wife na hanggang ngayon ay napanatili ang beauty at kaseksihan.

CARRIER SINGLE NA “DITO SA AKING PILING” SA CD ALBUM NG HUNK SINGER-ACTOR NA SI TYRONE ONEZA FAVORITE NA KANTAHIN NG MGA BATANG FAN

Hindi lang sa mga crowd ng mga ginawang successful shows, malakas ang karisma ng Hunk singer actor at Mega C vitamins endorser na si Tyrone Oneza. Kundi malakas rin ang hatak ni Tyrone sa mga bata at sa katunayan ay may mga bulilit na nagtayo pa ng sarili nilang Fans Club ng kanilang idol na singer na tinawag nilang Ty-ronatic’s Kids. Kabilang na sila sa maraming fans club ng singer mula sa iba’t ibang lugar. Lahat ng mga batang miyembro sa grupo ay very active ha, at halos lahat ng events ni Tyrone ay nagpupunta sila para panoorin ang performance nito. Kabisado na rin nila ang buong lyrics ng carrier single ng favorite artist na “Dito Sa ‘King Piling” na compose ni Vhenee Saturno na popular na nga-yon. Sa recent concert pala ng Sexy Diva, na si Azrah na special guest si Tyrone ay marami ang na-touched nang makipag-dueto sa kanya ang batang fan na si Janelle Menesis habang kinakanta niya ang Dito Sa ‘King Piling. Nakatanggap ng malakas na palakpakan si Tyrone at marami rin ang naluha sa crowd lalo pa’t magaling rin kumanta ‘yung little girl na die-hard pa lang supporter ni Oneza. Honestly nagbigay buhay talaga ang nasabing singer-actor sa said concert ni Azrah last June 20 sa Music Museum na kahit maulan at sobrang traffic ay dinumog talaga ng manonood. Hukbo-hukbong fans rin ni Tyrone ang dumating sa venue para ibigay ang kanilang all-out support sa hinahangaan nilang mang-aawit. Nasa venue kami at nasaksihan nga namin kung paano pag-kagulohan ng buong crowd ang controversial na concert performer.

About hataw tabloid

Check Also

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Leave a Reply