Sens. Bong at Jinggoy, hindi naging maramot sa showbiz
[divider]
NAKAKULONG man sina Senator Bong, Jinggoy, at Manong Johnny dahil sa kaso nila na mainit na mainit at napatunayan ng Ombudsman at sila sa pagkatalo ay makukulong, siguro naman hindi mawawala ang mga supporter nila, kaibigan, at mga kapwa showbiz friends na dadalaw sa kanila dahil friends kami at naging mabuti sa amin.
Naging maganda naman ang relasyon nina Bong at Jinggoy sa mga movie press people, kailan man hindi sila naging maramot kapag nahihingan ng tulong. Noong San Juan Mayor pa lamang si Jinggoy ay ilang beses din kaming natulungan at maging nang siya ay senador na.
Siyempre ang pagkakaibigan ay hindi nawawala sa panahon ng pangangailangan, lalo mo dapat ipakikita na karamay ka maging sa hirap at hindi lamang puro sarap. At kung may dilim ay may liwanag na tatanglaw sa iyong kinasasakdalan. Politika lang ‘yan!

