Wednesday , August 10 2022

Jodi, sobrang nae-excite sa Maria Leonora Teresa

ni Dominic Rea

BINISITA ko ang kaibigang Jodi Sta. Maria while shooting para sa pelikulang Maria Leonora Teresa movie ni Direk Wenn Deramas ngStar Cinema.

“Nakaka-three shooting days na kami Marse and sobrang napaka-cool naman ng shooting namin. Puro scenes ko palang ang nakukunan ni Direkdito sa house na ito. Scenes namin nina Joem (Bascon) ‘yung bata, smooth naman ang shooting namin,” tsika pa ni Jodi sa akin.

Kumusta naman ang kanyang role sa pelikulang MLT?

“Sobrang lalim lang kasi alam naman siguro natin ang story nito. Malalim siya na kahit ako, habang sinu-shoot namin, nae-excite ako sa mga eksena. Hindi pa kami nagkakasama nina Iza (Calzado) sa eksena so marami pang mangyayari. I love it! “ aniya.

Paano niya naman pinagkakasya ang isang linggo sa dinami-rami ng trabaho mula sa tvc shoot, taping, at shooting?

“Okey naman. Napagkakasya naman. Nakakapagod lang pero bawal ang magreklamo Marse, hahahaha! Sobrang blessed tayo kaya pasalamat lang tayo always at mahalin ang work,” aniya.

Tuloy na tuloy na ang I Heart You 2 na isang pasasalamat concert ng buong Be Careful With My Heart serye sa lahat ng supporters!

“Yes! Magkita-kita po tayo ngayong July 25, 8:00 p.m. sa Araneta guys. Naku, marami kaming sorpresang gagawin dito ni Richard (Yap) kasama ang buong cast ng serye, abangan nila,” aniyang kuwento pa sa amin.

About hataw tabloid

Check Also

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Leave a Reply