Thursday , April 18 2024

Jed Madela All Requests, isang intimate concert (Boom Panes, may version din)

ni Reggee Bonoan

Iisa ang tanong ng entertainment press na dumalo sa presscon ni Jed, bakit sa Music Museum, bakit hindi sa Smart Araneta Coliseum?

“Gusto ko kasi.  It’s a very intimate place kasi birthday concert siya. Gusto kasi ng management/producers na it’s a very casual concert and of course, gusto rin naming i-delete ‘yung thought na, ‘audience kayo, ako magpe-perform’.

“Kapag PICC kasi or sa malalaking venue, it’s too far na makasalamuha ang audience, so ‘pag Music Museum, medyo candid, casual and on the spot interactive with my audience,”paliwanag ng 2005 WCOPA grand champion performer of the world.

At ang challenge ni Jed sa concert niyang All Requests ay, ”we put up facebook page na puwedeng mag-request ang fans ng songs na gusto nilang marinig and we ended up hundreds and hundreds songs.

“So, naging challenge sa amin ng tita ko, paano gagawin ang concert na hindi mag-mukhang chopsuey, videoke/karaoke na concert.

“So, kahit paano naitawid naman namin, there are songs na hindi namin kayang isingit lahat, so pinili namin ‘yung most requested songs, siguro top 20 songs na ini-request at iyon ang ipapasok sa list.

“Kasi kung pagbibigyan naming lahat, I’m sure tatlo o limang oras siguro matatapos ang concert,” natawang sabi ng singer.

Isa pang challenge kay Jed ay wala raw nag-request ng mga sarili niyang kanta sa album, ”ang karamihang ini-request ay mga kantang hindi ko ginagawa (kinakanta), so far nag-top sa request, ‘Let It Go’ (‘Frozen’), ‘All Of Me’ ni John Legend, may opera pa na ‘Nessum Dorma’ (Pavarotti), it’s a very eclectic show, challenge night talaga.

“And we’re planning a fish bowl sa entrance (MM) na puwedeng maghulog ng songs na requess nila, kumbaga challenge talaga ito for me and to musicians kasi on the spot talaga. So iba pa itong nasa fish bowl at ‘yung top 20 songs, it will be a crazy night talaga.”

Pero siyempre, hindi puwedeng hindi kakantahin ni Jed ang mga awiting nasa album niya tulad ng soundtrack ng Moon of Desire na Tanging Ikaw, Ikaw Na na ginamit sa isa sa episodes ngWansapanataym and Dito Lang na ginamit sa Promise of A Thousand Days (Koreanovela).”

BOOM PANES, MAY VERSION DIN SI JED

At ng pumasok daw si Jed sa It’s Showtime bilang isa sa hurado ay nabura na ang Let It Go na most requested sa kanya, ”naging ‘Boom Panes’ na. Will see what will be my version, kasi parang paano kaya ‘yun, di ba?” tumawang kuwento ng singer.

Sa kabilang banda, paalis si Jed pagkatapos ng concert niya dahil magiging mentor siya sa WCOPA 2014 kaya excited ang dating champion.

Tinanong namin kung inalok din ba si Jed na maging mentor ng The Voice at The Voice Kids dahil may K o karapatan naman siya kung tutuusin.

“Actually, tinawagan ako and ask me if I want to, eh, hindi na nila ako binalikan, tapos may iba na silang nakuha. Siyempre gustong-gusto ko,” pagtatapat ng binata.

Oo nga, tanda namin na isa siya sa ikino-consider noon, kasama pa nga si Rico Blanco, pero ang ending, sina Apl De Ap at Bamboo ang napili sa mga lalaking singer.

Eh, okay na rin dahil mentor naman sa WCOPA ngayon si Jed.

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *