Thursday , August 11 2022

Allen Dizon, napalaban sa lampungan kay Jackie Rice!

 

ni Nonie V. Nicasio

PROUD si Allen Dizon dahil nakagawa na naman siya ng isang makabuluhang pelikula. Pinamagatang Kamkam (Greed), ito ay mula sa direksiyon ng award winning director na si Joel Lamangan.

Ang naturang pelikula na showing na sa July 9 ay nakakuha ng Grade-A mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Kuwento ni Allen sa tema ng kanilang pelikula,”Dito mo makikita na iba-iba ang raket e, yung iba sila ang taga-kolekta ng tubig, taga-kolekta ng kuryente… ganyan. Kanya-kanya sila ng kinikita.

“So, hindi lang nagpapakita ito ng maraming raket, sumasalamin din ito sa mga totoong buhay-buhay ng mga tao. Makikita dito ‘yung mga local leaders na imbes na ibigay sa taong bayan ang pondo at serbisyo, ibi-nubulsa nila e.”

Nabanggit din niya ang hot and daring na eksena nila ni Jackie Rice.

“May mga love scene kami na matindi talaga. Mayroong butt exposure roon, mga halikan…. So, siya iyong pinaka-daring talaga na ginawa rito.

“Walang arte talaga at professional si Jackie. At saka pareho naman kami ni Jackie, pagdating sa mga love scenes… ako naman yung lalaki kaya ako ang magdadala.”

Hindi ka ba nagdalawang isip dahil bukod sa may butt exposure ka rito, may pumping pa kayo sa love scene ninyo ni Jackie?

“Hindi na ako nagdalawang-isip, kasi trabaho lang naman ito e, artista ako e.

“Kung iyong babae nga ay game maghubad, ako pa ba ang mag-iinarte e lalaki naman ako. I mean, wala namang mawawala sa akin, ‘di ba? Lalaki tayo e, sila nga iyong mas dapat na nag-iingat dahil baka makitaan sila. Saka sila rin iyong pag-uusapan talaga, kasi babae sila e.

“Pero nag-plaster naman kami rito at siyempre, inalalayan ko naman dito si Jackie.”

Sa tingin ba ni Allen ay sa-sabihan na naman siya ng iba na talagang binabalik-balikan pa rin niya ang pagpapa-sexy sa pelikula?

“Well, natiyempo roon sa Laurina e, kay Bangs (Garcia). Tapos ay may bago ulit, eto nga. So nagkakataon lang naman siguro, kasi depende sa hinihingi na role at ng istorya e.

“Siyempre, tiwala naman ako kay Direk Joel (Lamangan). Magaganda naman yung mga leading ladies ko at hindi na naman bago sa akin ang mga ganitong eksena e. Kaya okay lang na gawin ulit, at least, leading man pa rin ang level ko bilang artista, ‘di ba?”

Aminado rin siyang ito ang pinaka-daring niya mula nang sumabak sa indie genre. “Oo, eto ang pinaka-daring ko. Pinaka-daring ang ginawa ko rito sa Kamkam mula noong nag-indie na ako. Ibang klase ang mapapanood dito, pero trabaho lang talaga e.”

Sinabi rin ni Allen na kung papipiliin siya, mas gusto raw niyang gumawa ng indie films kaysa sa mainstream.

“Mas gusto ko talaga ang indie, kasi ang indie films, ito talaga ang reality of life and ito ang mga totoong nangyayari sa atin. Sabi ko nga, sumasalamin ito sa mga tunay na nangyayari sa ating lipunan e.

“Pero hindi naman ako ipokrito na sasabihin kong ayaw kong gumawa ng mainstream. Mas malaki ang bayad sa mainstream e, siyempre ay kailangan din natin ng pera, kailangan nating kumita para sa ating pamilya.

“Pero sa totoo lang, kung may choice ako, mas gusto ko talagang gawing mga project ay indie. Mas makatotohanan kasi ito, mas enjoy ako at hindi ‘yung dahil sa bayad lang,” paliwanag pa ng morenong aktor.

Bukod kina Allen at Jackie, ang pelikulang Kamkam ay tinatampukan din nina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, Jim Pebanco, Joyce Ching, Lucho Ayala, Rita de Guzman, Hiro Peralta, Athena Bautista, at Zeke Sarmenta.

About hataw tabloid

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Leave a Reply