Sunday , May 19 2024

Vendor utas sa jaguar na iritado sa aso

BINARIL at napatay ng isang gwardiya ang isang vendor dahil lamang sa pag-aaway sa pagpapaalis sa alagang aso ng biktima na nasa harapan ng binabantayan gusali sa Pasay City kahapon ng umaga.

Patay bago idating sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Danilo Simeon, 46, may asawa, ng 123 M. Acosta St., Pasay City sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Tinutugis ngayon ng pulisya ang suspek na si Eduardo Villareal, guwardya ng Kislap Security Agency na nakatalaga sa Building 1, panulukan ng M. Acosta St., at F.B. Harrison ng nasabing siyudad.

Naganap ang insidente dakong 5:25 am sa harapan ng isang tindahan ng sapatos sa gusali na binabantayan ng gwardiyang suspek.

Nagtitinda ang biktima sa harapan ng binabantayang gusali ng suspek at sinabihan nito ang biktima na tanggalin ang alagang aso sa harap ng gusali dahil nakaiistorbo sa mga kustomer na pumapasok.

Hindi pinakinggan ng biktima ang sinabi ng suspek na alisin ang alagang aso kaya sila ay nagtalo.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *