Pinto tinadyakan ng pusa para mabuksan

NAGING viral sa internet ang video ng isang pusang paulit-ulit na tinadyakan ang pinto na parang machine-gun, upang mabuksan.

Halos dalawang milyon katao na ang nakapanood ng video ng pusa na ayaw papasukin sa silid-tulugan ng kanyang amo.

Unti-unting nabuksan ang pinto makaraan ang paulit-ulit na pagtadyak ng pusa habang naghihintay ang isa pang pusa.

Ayon sa isang YouTube user: β€œThis cat could almost play double bass drums for Metallica…” (ORANGE QUIRKY NEWS)